Connect with us

Stories

Ina ni Ms. Universe Philippines Rabiya Matteo, Proud sa Naging Tagumpay ng Anak, Kwento ng Naging Pagsabak Nito sa Beauty Pageant Ibinahagi Rin Nito

Sa tagumpay ng isang anak, tunay nga naman na sa likod nito ay isang ina na todo ang suporta para sa pangarap na makamit ng anak ang tagumapay na pinapangarap nito.




Matapos koronahan at itinanghal na Ms. Universe Ph 2020 si Ms. Rabina Matteo, kung saan siya din ang magiging pambato ng Pilipinas sa darating na Miss Universe 2020, ay muli itong humarap sa media, ito ay upang sagutin ang ilan sa mga katanungan sa kanya.

Photo credits: rabiya mateo | Instagram

Makikita nga sa naging pagsagot ni Ms. Universe 2020 Rabina Matteo, sa mga katananguan ng press sa kanya ang kanyang tunay na pagkatao, kung saan ay buong pagmamalaki niyang ibinahagi at hindi ikinahiya sa publiko na bago niya naabot ang kanyang pangarap ay talaga namang napakaraming hamon sa buhay ang kanyang hinarap.

Photo credits: google.com

Samanatala, mapapansin naman na hindi kasama ng dalaga sa kanyang tabi ang kanyang ina, ngunit kahit wala ito ay ipinabatid ng ina ng dalaga sa pamamagitan ng isang mensahe sa video kung gaano ito ka-proud sa tagumpay na nakamit ng anak.




Sa natura nagng video ay ibinahagi ng ina ni Rabia, kung gaano siya ka-proud sa naging tagumpay ng anak, at ikinuwento rin nito kung paanong nagsimula si Rabiya na mapasok sa beauty pageant hanggang sa itanghal nga itong Ms. Universe Ph, at magiging pambato pa ng Pilipinas sa Ms. Universe 2020.

“Simple lang naman ang happiness namin. Kakain lang kami sa labas, pagkatapos niyan balik na kami sa normal life namin. Nag-aaral sila back and forth, nagluluto ako, pinagsabihan ko sila”, ang naging kwento nga ng ina ni Rabiya, na isang single mom at mag-isang itinaguyod ang kanyang mga anak.

Ikinuwento rin ng ina ni Ms. Rabiya, na noon pa man ay pangarap na ng kanyang anak ang sumabak sa mga beauty pageant, ngunit dahil sa kagustuhan nitong matulungan ang pamilya ay mas inuna nitong pagtuunan ng pansin ang maghanap-buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo) on

Pagbabahagi pa ng ina ni Ms. Rabiya, na ang handler nito ang talagang nangulit sa kanya, na pasalihin na ito sa beauty pageant. At ang una ngang nilahukan ni Ms. Rabiya, ay ang local pageant ng Ilo-Ilo kung saan ay agad nagwagi sa unang pagsabak niya rito.

“Ang pag-join niya sa Ilo-ilo pageant,a ng handler niya, ang kulit ng kulit niya sa akin na ipa join ko si Rabiya. That time, busy siya noon kasi lecturer siya sa Manila. E’ ang lakas ng convincing power niya, sino ba naman kami para mag-say no, so that time sinabi ko na, ‘Nak, uwi ka na dito sa Iloilo, magpaalam ka muna dyan sa pinagtatrabahuan mo kung makakabalik ka pa sana”, ang naging kwento pa nga ng ina ni Ms. Rabiya.




Ibinahagi rin ng ina ng itinanghal na Ms. Universe Ph, na isa siya sa kumimbinsi sa kanyang anak, na sumabak sa nasabing pageant sa kanilang bayan, ito ay dahil sa batid niya na ang ganitong pagkakataon ay isang magandang oportunidad para sa kanyang anak na minsan lang daraan sa buhay nito, na maaari rin nitong madala hanggang sa pagtanda nito ang ala-ala sa minsang naging pagsali niya dito.

 

View this post on Instagram

 

Iloilo, this crown is for you! I still can’t believe it happened. I’m still in shock right now and I’m still trying to absorb everything. I just wanna thank all the people who had helped me in this journey. To the Mateo Family, everyone from Balasan, my classmates from BCS, St. Candida School and Iloilo Doctors’ College, co-interns from SPUI especially to Anny Yu, my bestfriends, Acel, Andrea, Mimi and Karen Alerta, my #TeamBactung, Mama Dette, Raping, Toto and Inday Meggy, to Lula family especially to Bling, Remjo and Mara, to my make up artists Benjie, Gio Forbes, Maki Gu and Migz, to my stylists Dom, Josh and Nung Ryan, designers like Sir Bo, Paul Conte, Ram Silva(ily), Mamang Jet Salcedo, John Lee, Tata Blas Pinuela, Sir JunG Candelario (The best!), Sir Andrew Bugna and Sir Sidney Eculla, thank you so so so much. For most of the projects we have, I couldn’t even pay you guys a single cent and you still helped me because you are the kindest people on Earth. I share this crown with each and every one of you! P.S. There’s still a Part 2 and 3 of my appreciation post. I wanted to make sure I would be able to mention everybody who helped me 🙂

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo) on

Ayon pa din sa ina ni Ms. Rabiya, kaligayahan na para sa kanya ang makita sa entablado ang kanyang anak, habang ito ay rumarampa at pinapalakpakan ng marami nilang mga kababayan.

Inihayag rin nito ang naging usapan nila ng manager nito, na manalo o matalo, ay tuloy ang rampa. Ngunit sa hindi nila inaasahan ay nagwagi nga si Rabiya sa pageant ng Iloilo, at ito nga ang naging representante ng kanilang bayan sa Ms. Universe Ph, kung saan ay nagwagi rin ito.

“Ang usapan namin ng manager, manalo, matalo, rampa lang! ‘E nanalo. So nagrepresent siya ng Miss Unverse Philippines ng Iloilo diyan sa Manila. ‘E nanalo pa rin, so Miss Universe na ng Philippines.”

Excited naman ang buong pamilya ni Rabiya, na muli siyang i-cheer kapag siya ay sumabak na sa Miss Universe 2020, kung saan ay ibabandera niya sa buong Universe ang ganda ng Pinay at ng bayan ng Iloilo na kanyang pinagmulan.

Samantala, matatandaan naman na noon ay minsan ng ibinahagi ni Rabiya sa isang panayam sa kanya ni Dyan Castillejo na ang kanyang magiging tagumpay ay alay niya sa kanyang nanay.

Matapos nga ang naging pagkorona kay Rabiya Matteo bilang Ms Universe Ph, ay nanatili muna ito ngayon sa Manila, kung saan ay gagampanan at haharapin niya ang iba’t ibang duties at responsibilies na nakatalaga sa kanya.

error: Content is protected !!