Isa ng sarhento ngayon ng Philippine Air Force Reserve ang aktor na si JM De Guzman.
Matapos ang halos 8-buwan na naging pagsasanay, ay masayang ibinahagi ni JM, ang kanyang matagumpay na pagtatapos sa kanyang military training, bilang isa sa mga sarhento na, ng Air Force reservist.
Makikita sa Instagram account ni Jm, ang kanyang naging pagbabahagi ng mga larawan niya nito lamang ika-22 ng Nobyembre, kung saan ang mga larawan na ito ay masasabing kinunan ng mga panahon ng kanyang pagsasanay.
Ang iba ngang larawan, ay nagpakita pa ng naging pagsasanay ni JM sa tamang pag-gamit at pagiging responsable sa paghawak ng baril.
“Finally, after 8 months, I finished my Philippine Air Dorce, Special Basic Citizen Military Traiing CL-2020 (lectures, drills, and rigorous simulations and trainings) of Air Force Reserve Command conducted by 1st Air Reserve Center. Special thanks to Lt. Col Hermie Calubiran Jr. PAF.”
Photo credits: JM De Guzman | Instagram
Photo credits: JM De Guzman | Instagram
“I learned a lot about myself, my character, and gained a lot of wisdom in this training. My respect higher to our soldiers.”
“As a reservist, I’m ready to serve my country, help those who in need or help, or in the dark (as clichés as it may sound) because I was in need of help before I was also in the dark too.”
“So, I know it feels. Blessed and graced to stand up again and make things right and now it’s time for me to give back.”
“It will be easy for me to do this with the guidance and support of our astig regular soldiers.”
“At siyemre ang sinumpaang tumulong, protektahan, ang Inang bayan.”
“Shout out to my wrestling coach/Airforce staff Sgt. Jimmy Angana for the help (Philippine flag emoji.”
Photo credits: JM De Guzman | Instagram
Photo credits: JM De Guzman | Instagram
Ayon nga sa naging post ng aktor, sa naging pagsasanay niya bilang isang reservist, ay mas lumaki pa ang kanyang naging paghanga sa ating mga sundalo.
Photo credits: JM De Guzman | Instagram
Dagdag pa ng aktor, ngayon na isa na rin siya sa mga sarhento ng Philippine Air Force Reserve, ay handa na siyang gampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin at ipagtanggol at protektahan ang ating inang bayan.
Samantala, matatandaan na bago pumasok at magsimulang mag-training si JM de Guzman bilang isang reservist ay nakipaglaban muna ito sa kanyang kundisyon na panic disorder. Kung saan ito ay dulot ng ilang mga personal na suliranin na pinagdaanan ng aktor sa kanyang buhay.
Photo credits: JM De Guzman | Instagram
Ngayon nga ay tila maayos na ang kalagayan na ito ng aktor, kung saan tila naging malaking tulong sa kanya na makilala ang kanyang sarili, ng mag-training siya hanggang sa makapagtapos na nga siya sa Philippine Air Force, Special Basic Citizen Military Training.
Ilan pa nga sa mga celebrity na mga AFP reservist na rin at halos ka-level ni JM ay sina Dindong Dantes, Matteo Guidicelli, Rocco Nacino, Gerald Anderson, Arci Muňoz at si Wynwyn Marquez.