“I built this house for you mom”, Nigerian YouTube Star na si Emmanuella Samuel, Pinatayuan ng Bahay ang Kanyang Ina

Isang maganda, komportable at maaliwalas na tahanan para sa kanyang ina, ang ipinagawa ng YouTube comedian na si Emmanuella Samuel na mula sa bansang Nigeria.
Si Emmanuella Samuel, ay ang 10-taong gulang na bata, at isang Nigerian, na sumikat at naging popular sa sa YouTube dahil sa kanyang mga pagpapatawang ginagawa na kinaaliwan ng maraming mga manonood at subscriber’s niya.




Siya ay isinilang noong ika-22 ng Hulyo taong 2010, sa Port Harcourt, River State, Nigeria. Una siyang nakilala at sumikat ng mai-feature siya sa Mark Angel’s channel, dahil sa kanyang naging kontribusyon bilang kauna-unahang Nigerian YT channel na nagkaroon ng 1M subrscribers.

Photo credits: Emanuella | Instagram

Una niyang nakuha ang puso at suporta ng mga manood, ng ilabas niya ang kanyang video na may titulong ‘This is not my real Face oh’, na umabot na sa 7-milyon ang mga viewers.
Samantala, dahil sa natamong tagumpay sa pagiging isang YouTuber, ay natupad n ani Emmanuela ang pangarap niyang tahanan para sa kanyang ina.

Photo credits: Emanuella | Instagram

Makikita sa Instagram account ng 10-taong gulang na Youtube comedian, ang kanyang naging nakakamanghang pagbabahagi ng maaga niyang pamasko para sa kanyang ina.

“I built this for you mom. For all the prayers, all the encouragement and support. Mommy I know you said you want a portable house and this is it. But forgive me because I must compelte your mansion for you next year. Don’t worry it won’t make us go to hell. My super Christmas mommy, I love you”,

saad ni Emmanuella sa kanyang post kalakip ang larawan ng isang kumportable at malaking tahanan para sa kanyang ina.

Photo credits: Emanuella | Instagram

Photo credits: Emanuella | Instagram

Maliban pa nga sa larawan, kung saan ay makikita ang magandang bunggalo na tahanan na ipinagawa niya, ay ipinakita rin ni Emmanuella ang interior nito, kung saan ay may “motiff” ito na mga kulay black, gray at brown.

Photo credits: Emanuella | Instagram




Mapapansin na napaka-homey cozy ng tahanan na ito, at nag mga silid ay talaga namang modern ang mga disenyo, at may pagka minimalist ang istilo.

Photo credits: Emanuella | Instagram

Base sa ulat ng AB-TC ang 10-taong gulang na Nigerian YouTuber na si Emmanuella Samuel, ay kumikita ng $90,000 o N34 million, kaya naman siya na ang isa sa pinakamayamang bata sa bansang Nigeria.

Photo credits: Emanuella | Instagram

Sa ngayon, ay parte pa rin ng Mark Angel comedy team si Emmanuella Samuel.