“Hindi mo naman pwede pigilan”, Reaksiyon ni Richard Gomez sa Pagdadalaga at Pakikipag-Date ng Unica Hija Niyang si Julianna

Ibinahagi ng actor na si Richard Gomez, na ngayon, na ang kanyang nag-iisang anak, ay napakaganda ng dalaga sa edad nitong 20-taong gulang, ay talaga namang ‘aware’ siya, na nasa “stage” na to ng buhay, kung saan ay nasa stage na ito ng pakikipag-date.

Ayon nga sa aktor ang “dating is a part of life”, kaya naman talagang hindi niya ito mapipigilan at ang pwede niya lang umanong gawin ay ang hayaan itong makipag-date na may kaakibat na pag-gabay rito.




Samantala, sa isang nagging panayam ng G3 San Diego kay Richard Gomez, ay ibinahagi ng aktor, kung ano ang kanyang nararamdaman ngayong nakikita na niya ang kanyang anak na ganap ng isang dalaga, at nagsisimula ng makipag-date, sa mga binata na nanliligaw dito.

Ayon nga sa aktor, ay talaga namang nakikita niya sa anak niyang si Julianna ngayon, kung gaano ito nagging isang magandang dalaga sa kanyang pagdadalaga, kaya naman hindi nakakapagtaka, na maraming mga binate, ang umaaligid dito.

“She’s growing up to be a beautiful lady. I’ve seen her grow from a toddler. Now she’s 20 years old already. And nakikita ko maraming umaaligid -aligid na mga lalaki sa tabi-tabi dyan”, saad nga nga aktor.

Photo credits: Juliana Gomez | Instagram

Sa naging panayam rin na ito sa aktor, ay ibinahagi nito kung ano ang kanyang nararamdaman at ginagawa sa tuwing nagpapa-alam ang anak niyang dalaga na si Julianna sa kanya, sa tuwing makikipag-date ito.

“We’ll dating is part of life, you know. It’s a part of growing up. Hindi mo naman pwede pigilan na ‘wag kang mag-date. Kasi eventually, if you do that, they’ll end up making takas. And you don’t want that to happen”, ani Richard.

Photo credits: Juliana Gomez | Instagram

Base nga sa pahayag ni Richard, mas mainam na payagan na lamang niya ang dalagang anak na makipag-date, kasya naman tumakas ito kapag nais niyang makipag-date, na karaniwang nangyayari kapag masyadong naghihigpit ang isang magulang.

Photo credits: Juliana Gomez | Instagram

Inamin rin ng aktor, na sa tuwing may ipakikilala sa kanya si Julianna na binata, ay nagiging “speechless’ siya.

“At times, I’m out words ha. Sometimes, I just can’t say anything. Ganun talaga ang buhay. Ganu’n lang ang reaksiyon ko. “

Photo credits: Juliana Gomez | Instagram

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging “prom date” ng binatang anak ni Aga Muhlach na si Andres, si Julianna, kung saan ay naging usap-usapan na baka mayroon ng magandang pagtitinginan na namumuo sa dalawa.




Aga naman nilinaw ng dalagang anak ni Richard, na si Julianna, na magkaibigan lamang sila ni Andres Muhlach.

Photo credits: Juliana Gomez | Instagram

Nang Makita naman umano ng aktor na si Richard Gomez, ang mga larawan ng kanyang anak na si Julianna, kasama si Andres, ang binatanag anak ng kanyang kaibigang aktor din sa industriya na si Aga Muhlach, ay nasabi nito na tila bagay ang dalawa.

“Well, when I saw the pictures, kasi I was in Ormoc when they had the prom. Sabi ko they lookd together. Julianna’s beautiful, si Andres is very good-looking. He’s tall. They look good together.”

Bago pa man maging date ni Andres si Julianna sa prom, ay nauna ng tumawag ang aktor na si Aga Muhlach kay Richard Gomez, upang ipagpa-aalam na kung maaari bang maging kadate ng kanyang binatang anak, ang napakaganda nitong anak na si Julianna.