Heart Evangelista, Diretsahang Sinagot ang Netizens na Nagtanong Kung Nag Bukas na ba daw ito ng Wallet Para sa mga Kababayan Nating Naapektuha ng Bagyo

Isang post ng netizens sa tweeter, ang kumuha nng atensiyon ng aktres na si Heart Evangelista, ito ay matapos mag-tweet ng netizens ng isang mensahe, na ang nilalaman ay kung may ipinakita na bang pagtulong ang aktres na si Heart Evangelista sa mga kababayan natin na labis na naapektuhan ng mga bagyong dumaan sa atin bansa, ilang Linggo pa lamang ang nakakalipas.




Photo credits: google.com

Ang Tweet ngang ito ng naturang netizens, ay nabura na, ngunit ang nilalaman nito ay ganitong mensahe;

“Sorry di ko ata nakita, pero nagbukas na ba ng wallet si Heart Evangelista? La lang cure use lang (sic).”

Ang tweet ngang ito, ay agaran at diretsahang sinagod ng fasion icon at actress na si Heart.

“The camera doesn’t need to be on for your help”.
“Also – curious dapat. #researchpamore – LoveMarie O. Escudero

Ayon nga sa naging kasagutan ni Heart, hindi sa lahat ng bagay na tutulong ka sa iyong kapwa, ay kinakailangan mo pa itong ipangalandakan sa marami. Makikita rin sa naging kasagutan ng aktres sa netizens, ang pagtatama nito ng maling spelling nito na ginamit, kung saan ay “cure use” na ang tama ay “curious.”

Photo credits: heart evangelista | IG

Samantala, hindi nga lamang ito ang netizens, na tila pinuna ang ginagawang pasikretong pagtulong ng aktres, dahil ayon sa isang netizens na may tweeter account name na @julesmasil, mas mainam umano kung ipapakita niya sa publiko ang kanyang ginagawang pagtulong, upang maging inspirasyon siya sa mga ito, at maisipan din ang tumulong sa kapwa.

Ngunit ang naging kasagutan naman dito ng aktres ay;

“It’s ok to create awareness. It’s ok to help get the word out but my points in heaven are far more important to me than likes on IG – this is my personal choice – now let’s go back to retweeting.”

Sa kabilang banda naman, kahit may ibang kumukwestyon sa ginagawang pasikretong pagtulong ni Heart Evangelista sa kapwa, ay mayroon ring mga tao, na ibinahagi kung gaano sila kapalad at isa sila sa mga nagawang tulungan ng butihing aktres.

Isang taga Sorsogon, ang nagbahagi kung paano tumulong si Heart sap ag-rescue ng aso, sa city pound, kung saan maliban dito ay may apat pa ngang aso ang ni-rescued pa ng aktres.

“I was one that you helped here in Sorsogon to rescue the dog of our neighbor from the city pound. You even rescued 4 more dogs. I will forever grateful for the immediate action that you did po. Dios Mabalos po sa mabuoton na 1st lady kang Sorsogon <3” – mula sa tweeter user na si @IndiMallorca




May isa pa ngang netizens ang nagbahagi rin ng kwento nito, kung paano niya napatunayan ang kabutihan ng aktres.

“Tito Pete and our family are a testament of how good your soul is, Ms. Heart. Please don’t let these bashers get you. Mas ok na yung maraming natulungan off-screen kesa sa mga nagpapabango lang sa social media. God bless you always!” – ito ay mula naman kay @beacatrawr

Sa kabila nga ng mga taong, nam-babash sa aktres, ay hindi pa rin mawawala ang mga taong tunay na nakakita ng kanyang angking kabutihang ginagawa sa kanyang kapwa, sa harap o likod man ito ng camera.

Photo credits: heart evangelista | IG

Samantala, pag dating naman sa tulong na gagawin ng actress sa mga nasalanta ng bagyo, ay isa sa mga hakbang na kanyang ginawa upang makalangap ng dagdag pondo, ay ang pag-auction ng kanyang hand-painted dress na ang nagdisenyo ay ang fashion designer na si Mark Bumgarner.

Ayon nga sa aktres, ay 20,000 ang maaari niyang malikom sa kanyang pag-auction, at plano pa umano ng aktres na dagdagan pa ang kanyang mga i-auction upang mas makalikom pa ng malaking halaga na maaari niyang maitulong sa marami nating mga kababayan na labis na nasalanta ng mga dumaang bagyo, ilang linggo na ang lumipas.

“I’ll be auctioning this lovely Filipiňana made by Mark Bumgarmer and hand painted by me check @shopmaisonlovemarie on IG for more details. All proceeds will go, to those affected by typhoon”, ang ang naging saad ni Heart sa kanyang IG account, kalakip ang larawan ng Filipiňana dress na kanyang ini-auction.

Photo credits: news.abs-cbn.com