Geneva Cruz, Binalikan ang mga Panahong Nagdesisyon Siyang Ipagawa ang Ilong sa Murang Edad na 16

Lakas-loob na ibinahagi ng singer na si Geneva Cruz sa isang Instagram post ang kanyang pagbabalik tanaw noong panahong nagpagawa siya ng ilong sa edad na 16.

Ika-2 ng Nobyembre, araw ng Lunes nang ibahagi ng 44 taong gulang na singer sa Instagram ang kanyang mga larawan kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kanyang ilong 31 taon na ang nakakaraan.




Makikita nga sa post ng singer, na sinimulan niya sa larawang kuha noong 13 gulang pa lamang siya kung saan hindi pa naooperahan ang kanyang ilong. At makikita naman sa pangatlong larawan, kung saan ay 17 taong gulang na siya, ang kaibahan ng kanyang ilong sa unang larawan. Ang huling larawan namang nasa post ni Geneva ay kuha noong 44 taong gulang na siya, kung saan makikita ang katangusan ng kanyang ilong.

Photo credits: Geneva Cruz | Instagram

Pagsisimula ni Geneva sa kanyang post,“When I look at old photographs of myself, I seem to know how old I was based on how I looked: face, weight, outfit, and hairstyle.”

Ayon naman sa singer, kontento na umano siya sa kanyang sarili, at kumpiyansa sa sarili niyang siya’y maganda ngunit nang magpasya siyang pasukin ang showbiz, ay may nagsabi sa kanya na masyadong malaki ang ilong niya para pumasok sa mundo ng showbiz. Kung kaya’t, nagdesisyon nga ang singer na ipagawa ang kanyang ilong.

At dahil nga sa murang edad na 16 una siyang nagpagawa ng ilong, kaya naman, halos buong buhay niyang dala-dala sa kanyang isip na may mali sa kanyang pagkatao.

“I was only 16 when I was asked to have my nose altered a bit and I thought something was wrong with me… & I carried that for many years kahit iba na ilong ko.”

Hindi rin nakaligtas si Geneva sa mga mata ng mapanglait na tao sa social media, nang halungkatin niya ang kanyang mga throwback photos. At ang ilan nga sa mga ito, ay ikinumpara pa siya sa mukha ng aktres at TV host na si Melai Contiveros noong kabataan niya.




“Trolls loved to hurt me coz I was timid; they didn’t know how else they could hurt me so they made my old nose a target. They even said things like I looked like Melai Cantiveros daw when I was with the Smokey Mountain, & I was like ‘WTF is wrong with looking like her? I think she’s pretty.’ Some would even say she looks better than me coz gawa ang ilong ko & at least sa kanya hindi. I just couldn’t win w/ them … as if it was my decision to touch my nose.”

Photo credits: Geneva Cruz | Instagram

Ngunit, sa kabila nito ay nanatiling buo ang loob ng singer na harapin ang mga pangungutya sa kanya. At sa loob nga ng halos 28 taong naranasan niyang kutyain, ay nakasanayan na niya na kung saan ay mas lalo pang nagpatatag sa kanyang pagkatao.

“Anyway, I’ve come to love the nose I’ve had for 28 years— same bridge, just narrower, kasi deep inside, pareho pa rin naman ako sa pang-loob eh. And because I was bullied so much in show-business growing up… it turned me into a stronger person, kaya kung puro sat-sat ka lang pero wala kang talino, don’t even bother trying to make me feel bad with your senseless noise kasi ibabalik ko lang din naman sa ‘yo yung ginagawa mo.”

Photo credits: Geneva Cruz | Instagram

Nagbigay naman si Geneva ng mensahe sa mga taong nais magpaayos ng kanilang ilong. Ayon nga sa singer, ay hindi naman kailangan pang magpabago ng mukha, dahil ang bawat isa ay may taglay na angking ganda. At kung magpapabago man ay dapat umanong kagustuhan ito ng sarili, at hindi ng ibang tao.

Ibinahagi rin ni Geneva, ang natutunan niya sa karanasan niyang ito.

“I am enough and I’m grateful.”