Kabilang nga sa mga nakapasa bilang mga ganap ng mga doktor ngayon ay ang mga dating showbiz personalities, na sina Alec Duňgo at Angeli Gonzales.
Nito nga lamang araw ng Huwebes, ika-26 ng Nobyembre 2020, ay lumabas na ang resulta ng mga nakapasa sa November 2020 Physician Licensure Examination. Ang listahan ng mga pasado, ay inilabas na nga ng Professional Regulation Commision (PRC), kung saan ay inanunsyo nila na sa 4,704 na mga kumuha ng naturang board exam, ay umabot sa 3,538 ang pumasa sa mga ito.
Sa inilabas ngang listahan ng PRC, ay makikita na kabilang sa mga ito ang pangalan nina Alec Duňgo at Angeli Gonzales sa mga pinagpala na makapasa sa nasabing board exam, at ang magandang balita ngang ito ay talaga namang malaking kasiyahan para sa kanila, lalo na sa kanilang pamilya.
Samantala, matatandaan na si Alec Duňgo ay isang dating Pinoy Big Brother housemates, na kabilang sa PBB Teen Edition. Nagpatuloy siya ng kanyang pag-aaral, matapos niyang lumabas sa PBB, hanggang siya nga ay nakapagtapos ng medical degree na may karangalang Cum Laude sa University of Sto. Tomas noong taong 2019.
Photo credtis: alecdungo | Instagram
Matatandaan na noon ay ibinahagi ni Alec, sa naging panayam sa kanya ng YouTube vlogger na si Rafael Erni, na kaya siya nagpursige na maging isang doktor, kaysa artista, ay dahil sa mas na-realize niya na iilan lamang ang nabibigyan ng ganitong oportunidad, at dahil sa para sa kanya, ay hindi lang ito isang trabaho, kundi isa ring bokasyon na makatulong sa kapwa.
Photo credtis: alecdungo | Instagram
Si Angeli Gonzales naman ay dating child star ng ABS-CBN, na mas naging popular ng mapabilang siya sa Home Along Da Riles, taong 2000 hanggang 2003. Nang maging teen actress na, ay naging parte siya ng “Luv U” na umere noong taong 2012 hangang 2016, kung saan ay nakasama niya sina Miles Ocampo at Marco Gumabao, at gumanap siya bilang si April.
Photo credtis: kayeangelii | Instagram
Photo credtis: kayeangelii | Instagram
Sa naging paglabas ng resulta ng licensure exam, ay agad ibinahagi ni Angeli Gonzales, sa kanyang Instagram account ang kanyang naging pagpasa at ito nga ay kanyang ipinagpapasalamat, unang una sa Diyos na Lumikha.
“Finally, # LicensedtoHeal. To God be the Glory”, ang naging post ng ani Angeli.
Photo credtis: kayeangelii | Instagram
Sina Alec Duňgo at Angeli Gonzales, ay ilan lamang sa mga dating celebrities, na mas piniling tahakin ang ibang karera sa kanilang buhay, at isantabi ang pagiging isang artista.
Congratulations
Alec at Angeli!!!