Isa sa mga hinahangaan at naging sikat na child actor sa showbiz si Joshua Dionisio o Ralph Joshua Dela Cruz Dionisio sa totoong buhay. Ang kanyang pagiging isang mahusay na child actor ay unang hinangaan ng publiko na gampanan niya ang karakter ni Ken Pamintuan sa superhero serye noon na “Super Inggo” kung saan bumida ang child actor rin a si Makisig Morales.
Isa din sa mga tumatak na karakter na ginampanan ni Joshua sa telebisyon, ay ang pag-ganap niya bilang ang batang si Cholo sa naging Philippine remake ng “Staitway to Heaven” na mapapanoon naman noon sa GMA-7.
Matatandaan na nasa walong taong gulang lamang si Joshua noong siya ay magsimula sumabak sa pagiging isang batang actor. At dahil sa kanyang ipinakikitang husay sa bawat karakter na ginagampanan niya, ay masasabi nga natin na isa siya sa sa mga pinakasikat na child actor ng kanyang henerasyon.
Photo credits: google.com
Dahil na rin sa kanyang husay sa pag-arte, ay nabigyan pa siya ng maraming mga proyekto, at isa na nga sa mga ito ay ng mapabilang siya sa seryeng “Maria Flordeluna”, kung saan ginampanan niya ang karakter ng taong nagmamahal asa bidang si Maria.
Photo credits: google.com
Naging isa rin siya sa mga lead role ng pelikulang “Kung Fu Kids”, at maging sa isang episode ng MMK (Maaalaala Mo Kaya) ay bumida siya, at eto nga ay ang episode na pinamagatang “Sako”.
Photo credits: google.com
Sa naging pag-ganap ngang ito ni Josua sa episode na “Sako” ng MMK, ay nakapag-uwi siya ng parangal mula sa PMC award noong taong 2008.
Natuloy-tuloy rin ang magandang karera ni Joshua sa showbiz, kung saan ay nagkaroon pa siya ng maraming proyekto katambal si Barbie Forteza. Ilan sa mga proyektong kanilang nagawa ay ang “Pilyang Kerubin” at “Twin Hearts”.
Maliban sa pagiging isang mahusay na actor, ang pagiging “cute at charming” ni Joshua ang talaga namang isa sa mga hinahangaan sa kanya ng kanyang mga fans.
Sa ngayon ay 25-taong gulang na si Joshua Dionisio, kung saan ay makikita na wala pa ring kupas ang pagiging cute at charming nito. Makikita rin na masaya ang buhay pag-ibig nito ngayon dahil sa madalas na pagbabahagi nito sa kanyang social media account ng larawan nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.
Photo credits: Joshua Dionisio | Instagram
Photo credits: Joshua Dionisio | Instagram
Photo credits: Joshua Dionisio | Instagram
Mapapansin rin na ngayon ay hindi masyadong aktibo si Joshua sa harap ng kamera, ngunit kamakailan lamang ay naging guest ito sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgemental”, kung saan sa ay nakita ng marami sa atin na sa kabila ng hindi niya pagiging aktibo ngayon sa showbiz, ay marami pa rin ang humahanga at sumusuporta sa kanya.