Emosyonal na ibinahagi ni Rocco Nacino ang kanyang marriage proposal sa kaniyang kasintahang si Melissa Gohing

Wala nang sasaya pa sa isang relasyon kung ito ay hahantong sa pangalawang yugto ng kanilang pagsasama at ito ay ang “Kasal”. Lahat ng babae nangangarap na ikasal sa taong kanilang pinakamamahal, sino ba naman ang ayaw?

Sa ganitong klase ng senaryo, hindi lang ang babae ang nagiging emosyonal at nangangarap na pakasalan, kundi narin ang kanilang magiging partner habambuhay.

Katulad na lamang ng aktor na si Rocco Nacino na kamakailan ay pinost sa Youtube channel ang kanilang video tungkol sa kaniyang karelasyon na si Melissa Gohing.

Ang nasabing video ay naglalaman ng kaniyang kamangha-manghang marriage proposal sa kaniyang volleyball star na kasintahan noong Nobyembre 20.

Pagkatapos ng tatlong taong relasyon bilang magkasintahan ay masaya at kabadong inalok ni Rocco Nacino ng kasal si Melissa Gohing.

Makikita sa video ang pagbibigay ni aktor ng ilang mga detalye tungkol sa proposal na nasaksihan ng kani-kanilang mga magulang at malalapit na kaibigan.

Makikitang parehong umiiyak sa saya ang aktor at si Melissa nang banggitin na ng aktor ang mga katagang “Will You Marry Me”? at ng sagutin siya nito ng “YES”.

Si Rocco Nacino ay isang registered nurse bago pa man ito naging isang ganap na artista noong siya ay sumali sa isang talent search na pinamagatang Starstruck.

Kilala si Rocco na gumanap sa iba’t ibang mga pelikula tulad ng “Bar Boys” at maliban dito siya ang gumanap bilang Captain Diego Ramos sa isang sikat at pinagkakaguluhang Korean Drama adaptation ng Pilipinas na pinamagatang “Descendants of the Sun”.

Naibalita din na ang napakagwapong si Rocco Nacino ay nakatanggap ng Tiger Battle Dress Uniform sa Philippine Navy’s Naval Special Operation.

Si Rocco Nacino ay ipinanganak noong Marso 21,1987 sa Baguio, Benguet at kasalukuyang 33 taon gulang na. Nagtapos ang aktor sa kursong Nursing sa Mapua Institute of Technology at noong Hunyo 2009 ay ipinasa niya ang Nurse Licensure Examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *