Dra. Vicki Belo, Sumabak sa Street Food Challenge Kasama ang Mag-asawang Jason Francisco at Melai Camtiveros, Pagkain ng Adidas Hindi na Kinaya “Ayoko. This looks really scary”

Kasama ang MELASON, o ang mag-asawang Jason Francisco at Melain Cantiveros, ay sumabak si Dra. Vicki Belo sa isang street food challenge, kung saan ay kanyang tinikman ang iba’t ibang pagkaing-kalye katulad na lamang ng penoy, kwek-kwek at isaw.




Photo credits: Vickibelo | Youtube

Sa naging pagbisita nga ng MELASON sa bahay ng sikat na dermatologist na si Dra. Vicki Belo ay nagdala sila ng iba’t ibang street food, katulad na lamang nga ng squid ball, kikiam , kwek-kwek, Adidas, at isaw, kung saan ang mga ito ay ipatitikim nila kay Dra. Vicki.

Photo credits: Vickibelo | Youtube

Nang magsimula nga ang kanilang street food challenge, ay makikita na naging bitter si Dra. Vicki Belo, ito ay ng tikman niya ang isaw, at hindi nga napigilan magtanong kana Melai at Jason, kung ano ang kanyang nakain.

“Ano to? Ang bitter. Ano yun?”, ang naging katanungan ni Dra. Vicki sa mag-asawa.
“Yung ang mga nakain ng manok”, ang naging kasagutan naman ni Melai.
“The bitter the better”, pabirong dagdag naman ni Jason.
“Parang may ibang weird eh. ‘Yung isa okay.”,

ang sabi pa nga ni Vicki na tila hindi pa rin maintinihan ang lasa ng isaw na kanyang natikman.

Matapos nga ang naging pagtikim ng isaw ay inamin ni Dra. Vicki na siya’y na-stress na, at pagod na sa challenge.

“Pagod na ako. Nakaka-stress ‘to”, saad nga ni Vicki Belo.

Tuluyan na ngang sumuko sa challenge ang Dra., ng ipakita ng mag-asawang Jason at Melai na ang susunod nitong titikman ay ang Adidas, ito ay ang paa ng manok na madalas nating nabibili sa mga iha-ihaw na tindahan.

“Ayoko. This looks really scary. I really cannot do this. I’m sorry”, ang naging pag-ayaw nga ni Dra. Vicki sa pagkain ng Adidas, kung saan ay tila natakot ito sa hitsura nito.

Photo credits: Vickibelo | Youtube

Matapos nga nito, ay sumali na ang asawa ni Vicki Belo na si Hayden Kho sa kanila, at ito ang kumain ng Adidas na tinanggihan niya.




“Imagine mo lang kinakamot ‘yung dila mo. Parang lenggua lang ‘yan eh – habang nilalasahan mo, nilalasahan ka rin”, ang naging saad naman ni Haydon Kho.

Ibinahagi naman ni Dra. Vicki Belo na ang kanyang asawang si Hayden, ay talagang mahilig kumain ng mga street food.

Photo credits: Vickibelo | Youtube

Hindi nga lamang ang pagkain ng street food ang ginawang kasiyahan nina Dra. Vicki Belo, Kayden Kho at Melason, dahil maliban dito ay naglaro rin silang apat ng “Who’s Most Likely” challenge, kung saan dito nagkabukingan tungkol sa buhay mag-asawa.

Sa naging laro nilang ito, ay nalaman kung sino sa mag-asawa ang madalas mapikon, unang nangangalabit, at madalas nakakalimot sa mga espesyal na okasyon.