Connect with us

Entertainment

Dra. Vicki Belo, Napamangha sa Napakagarang Luxury-Car Collection na Pagmamay-Ari ng Aktor na si Derek Ramsay

Isa sa mga gwapo at matipunong aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ay ang Filipino-British actor na si Derek Ramsay. Maliban pa nga sa mga pisikal na katangian na ito ng aktor, na talaga namang hinahangaan ng marami sa atin, ay isa rin siya sa itinuturing na pinakamahuhusay na aktor ng industriya, at siya rin ang talagang isa sa mga nangungunang leading man sa showbiz.

Sa dami ng kanyang mga proyekto at pelikula na nagawa, ay talaga namang masasabi rin natin na isa si Derek Ramsay sa pinakamatagumpay na aktor sa Philippine showbusiness.

At dahil nga sa kanyang tagumpay at napakagdang karera bilang isang aktor, ay hindi imposible sa kanya na makapagpundar ng mga mamamahaling ari-arian, at isa na nga rito ang kanyang tatlong palapag na mala-mansyon na laki ng bahay, na may mala-resort na disenyo.

Ngunit hind inga lamang, ang mala-mansyon na bahay ng aktor, ang talaga namang kabibiliban sa mga ari-arian na kanyang naipundar. Dahil kamakailan lamang, ay ibinida ni Derek ang kanyang mga pagmamay-aring magara at mamahaling sasakyan.

Nito nga lamang ika-5 ng Nobyembre, isa sa mga naging panauhin ng aktor sa kanyang tahanan, ay ang mag-inang Dra. Vicki Belo, at Scarlet Snow, kung saan ay itinampok ito ng mag-ina sa kanilang vlog.

Sa naging pagbisita nga na ito ng sikat na dermatologist na si Dra. Vickie Belo, kasama ang kanyang anak na si Scarlet sa bahay ng aktor, ay ipinakita sa kanila ng aktor, ang mga koleksiyon nito ng mga mamahalin at mga magagarang sasakyan.

Kung ang bahay ng aktor, ay talaga namang mamahalin dahil sa ilang milyon ang naging halaga nito, ay ganoon rin umano ang halaga ng kanyang mga sasakyan, dahil ang mga ito ay talaga nakakalula ang halaga.

Makikita nga sa vlog ni Dra. Vicki Belo, ang naging pagbida ni Derek sa kanyang mga luxury cars, kung saan ay kapansin-pansin na ang mga ito, ay napakalinis, at talagang tila bagong-bago pa dahil sa napanatili ng aktor ang kintab at kinis ng mga ito.

Halata nga sa hitsura ng mga luxury cars collection ni Derek, na alagang-alaga niya ang mga ito.
Samantala, narito naman ang mga modelo ng naturang mamahaling sasakyan na pagmamay-ari ni Derek Ramsay, at ang halaga ng mga ito, na talaga namang nakakalula.

Aston Martin DB11 – ayon sa inilathala ng Inquirer Mobility, kung brand new itong bibilhin ay aabot ang halaga nito sa 21milyon.

2019 Bently Continental GT – aabot naman umano ang halaga nito sa 29-milyong piso. Ito ay dahil sa isa ito sa pinakamahal, pinakamabilis at itinuturing na super car, na gawa ng Bentley Motors Limited, isa sa mga sikat at top British Luxury car manufacturer.

Red Ferrari F12 Berlinetta – kung titingnansa website ng Kelly Blue Book, ay umaabot sa 15-milyong piso ang halaga ng sports car na ito. Ayon kay Derek, isa ito sa kanyang mga paboritong sasakyan, kaya naman hindi pa siya handa na ibenta ito.

Rolls-Royce Ghost – nasa humigit kumulang 15-milyong piso rin ang halaga ng sasakyan na ito.
Jimmy – ito ang sasakyan na inilaan ni Derek para sa kanyang anak na si Austin, kung saan ayon sa www.zigwheels.ph., ang presyo nito ay nagkakahalaga ng higit isang milyong piso.

Samantala, hindi naman napigilan ni Dra. Vicki Belo ang talagang mapahanga sa mga sasakyan na pagmamay-ari ng aktor. Lalo na sa Bentley nitong sasakyan, na kung saan ay talagang gandang ganda ang sikat na dermatologist.

Ayon pa nga kay Dra. Vicki, ‘dream car’ niya umano ang ganoong uri ng sasakyan, kaya sabi nito, kung ibebenta ni Derek ang Bentley nito, ay gusto niya na sa kanya ito ibenta ng aktor.

Tunay nga namang nakaka-wow ang mga sasakyang pagmamay-ari ni Derek Ramsay, dahil sa hindi lang ito basta-basta magagara, kundi napakamamahalin talaga ng mga ito.

error: Content is protected !!