Connect with us

Stories

Dating Kargador, Doctor of Education na Ngayon, Narito ang Kanyang Puno ng Inspirasyon na Kwento ng Buhay

Tunay nga naman na kung ikaw ay may pangarap na maging maunlad sa buhay, ano pa mang hirap ang iyong pagdaanan at pangmamaliit mula sa iyong kapwa ang iyong maririnig, ay hindi ito ang magiging dahilan mo upang tumigil sa pagtupad ng panagarap mo.

Bagkus ay ito pa ang magiging motibasyon mo upang ipagpatuloy ang nasimulan, hanggang sa tuluyan ng maabot ang tagumpay ng buhay na iyong pinapangarap.




Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang Doctor of Education na ngayon na si sir Jonny Viray, kung saan ay bago pa man niya naabot ang magandang propesyon niya sa buhay, ay marami siyang hirap at pangmamaliit na naranasan sa buhay.

Sa Facebook page ng DepEd Open Educational Resources (OER), ay ibinahagi puno ng inspirasyon na kwento ng naging buhay ni Jonny Viray.

Photo credits: John Viray | Facebook

Ayon nga sa naging paglalahad ng buhay ni Jonny, mula ito sa isang mahirap na pamilya, na dahil sa sobrang kahirapan, ay hindi man lang nila naranasan ang magkaroon ng simple man lang na pagdiriwang sa kanilang tahanan, kahit pa ng aba si Jonny noon ay nakakakuha ng mga parangal sa eskwelahan.

Kahit nga umano ‘pancit’ ay hindi nila kayang bumili para kahit papaano ay pag saluhan kapag may okasyon o selebrasyon.

Noong elementary umano si Jonny, ay dalawang piso lamang ang kanyag baon tuwing papasok sa paaralan, kaya naman lugaw lang ang kaya niyang mabili.

Mas humirap pa nga ang sitwasyon ni Jonny pagdating niya sa highschool, dahil kahit lugaw ay hindi na niya kayang bilhin pa.

Samantala,si Jonny ay nag-aral ng highscool sa isang pang publikong paaralan sa Pampangga, kung saan ang matrikula lamang ay nasa P244 kada buwan, sa iba marahil ay napakamurang halaga nito, ngunit para sa pamilya ni Jonny na hikahos sa buhay, ay mahirap ng kitain ang ganitong halaga.

Dahil nga sa gutom, at halos walang makain sa kanyang naging pag-aaral, ay muntik ng magdesisyon si Jonny na tumigil na sa pag-aaral, noong siya ay high school, ngunit ito ay hindi natuloy, dahil sa naging ‘encouragement’ sa kanya ng kanyang isang guro.

“kung titigil ka kasi gutom ka, lalo kang magugutom bukas, kung hindi ka mag-aara; may pag-asa pa”, ang naging saad nga ng guro ni Jonny sa Filipino subject na si Mrs. Juliet “Jhet” Jimenez.

Photo credits: John Viray | Facebook

Sa tulong “words of encourangement” ni Mrs. Jimenez, ay pinili ni Jonny ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, at upang mabawasan ang gutom na kanyang nararamdaman, ay nagdadala ang guro ng extrang pagkain para sa kanya.

Nang magtapos nga si Jonny sa high chool, kung saan ay nakakuha siya ng ikalawa sa pinakamataas na parangal, dahil siya ang naging salutatorian ng kanilang klase, ay hindi nagkaroon ng selebrasyon ang kanyang pamilya, kaya naman pumunta na lamang siya sa bahay ng isa niyang kaklase upang makisalo sa ginanap doon na graduation party.

At dahil sa hindi na nga kaya ng kanyang mga magulang na paaralin ang binata kolehiyo, dahil sa sobrang hirap ng buhay, ay napilitang huminto si Jonny, at magtrabaho, kung saan siya ay naging isang kargador.




Batid naman ng marami sa atin kung gaano kahirap ang trabaho ng isang kargador, ngunit wala lang umano ito kay Jonny, dahil ang talagang sakit at pagod na kanyang nararamdaman ay mula sa kanyang ego, kung saan ay tila nabigo siyang tuparin ang pangarap niyang maging matagumpay sa buhay, at ito nga ay dahil sa kanilang kahirapan.

“Tapos pag nakikita ko yung mga classmates ko noong high school nagtatago ako. Nagtatago ako sa hiya. Nahihiya ako kasi alam nila na mataas ang pangarap ko tapos nasa pantalan ako. Hindi ko ikinahihiya ang trabaho ko, pero sadyang nakakalungkot talaga kapag hindi mo naabot ang pangarap mo”, ang naging saad ng binatang si Jonny.

Photo credits: John Viray | Facebook

Sa kabilang banda, tunay nga naman na sa lahat ng pagsubok sa buhay, ay may Diyos na laging handang tumulong sa atin, at ito ay ginagawa niya sa pamamagitan ng mga mabubuting tao.
Hindi naman inakala ni Jonny, na may darating na isang magandang balita sa kanya, na magiging daan upang matupad niya ang mga pangarap niya sa buhay.

Isang araw nga ay muling naka-daupang palad ng kanyang ina, ang dati niyang guro sa Economics, dahil sa ito’y lumipat ng bahay na halos malapit lamang sa kanila. Ng malaman nga nito na ang binate ay nagtatrabaho sa pantalan, ay inanyayahan siya nito na magbalik sap ag-aaral, at maging isang working student.

Lubos naman ang naging kasiyahan ni Jonny, sa kanyang pagbabalik eskwela, kahit pa ng a ba kinakailangan niyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Halos nasa 17km, ang nilalakad ni Jonny, mula paaralan patungong trabaho niya sa pantalan.

Ngunit ang mga ito’y hindi iniinda ng binata, ang masakit lang umano sa kanya, ay ang nararanasang pangmamaliit sa kanya ng ibang tao, kung saan ay sinasabihan siya ng mga ito na “kargador ka lang”.

Masakit man ang mga naririnig na pangmamaliit sa kanya, ay ginawa itong inspirasyon ni Jonny upang mas lalo pang pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Hindi nagtagal ay nakapagtapos si Jonny sa kolehiyo, kung saan siya ay nakakuha ng mataas na karangalan na Magna Cum Laude sa kurso niyang Education.

Matapos makapasa, ay nagtrabaho bilang call center agent, upang matustusan ang kanyang pagrereview sa magiging LET exam, kung saan ay matagumpay niyang naipasa ang nasabing ‘board exam’ para maging isang ganap na guro.

Taong 2013, ay ganap ng guro sa DePed si Jonny. Binigyan siya ng pagkakataon na muling ipagpatuloy ang pag-aaral, kung saan ay natapos niya ang kanyang Master of Arts in Education Major in Educational Management sa Don Honorio Ventura Technological State University.

Hindi pa nga dito nagtapos, dahil nagpatuloy pa si Jonny sa pagiging isang doktor ng edukasyon, kaya naman ngayon, ang dating minamaliit na isang ‘kargador’ ay isa ng proud na ‘Doctor of Education’.
Marami naman sa mga netizens, ang talagang na-inspire sa kwento ng buhay ni Dr. Jonny Viray.

error: Content is protected !!