Dating Goin’ Bulilit Star na si Trina “Hopia” Legaspi, Engaged na sa Kanyang Long-Time Boyfriend na si Ryan Jarina

“Bulilit no more” na nga ang dating cute na cute na bata sa children gag show na Goin’ Bulilit na si Trina Legaspi o mas nakilala ng lahat bilang si Hopia. Ito nga ay matapos masayang ibahagi ng aktres, ang isang napakasayang yugto ng buhay niya, na siya ay engaged na sa kanyang long-time boyfriend.

Tila kaybilis nga ng paglipas ng panahon, dahil ang munting batang si Hopia na ating nasilayan noon sa telebisyon, ay nalalapit ng ikasal at bumuo ng sariling pamilya. Nito lamang ika-28 ng Nobyembre, araw ng Sabado, ay labis ang kaligayahan ni Hopia matapos ibahagi ang magandang balita sa Instagram.




Ang kanyang boyfriend sa loob ng anim na taon na si Ryan Jarina ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa na alokin ng kasal ang mahal na kasintahan, at hindi naman nagdalawang-isip pang ibigay ni Hopia ang kanyang pinakamatamis na oo. Walang duda nga na talagang natagpuan na ni Hopia ang ninanais na pag-ibig sa kanyang una at nag-iisang mahal.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook

“Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can’t wait to marry my first and only love.”

Nakasaad rin sa post ni Hopia, na excited na rin umano siyang makasamang mag-travel ang kanyang fiancee. At inakala rin ni Hopia noong una, na hindi para sa kanya ang proposal. Kaya naman, laking gulat niya nang mag-proposed ang kanyang nobyo sa kanya.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook

“Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! ✈️ Yey!! Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! ?”

Samantala, kilala rin si Hopia sa kanyang mga vlog na madalas gumawa ng mga prank, ngunit sa pagkakataong ito, ay hindi umano ito prank dahil tunay at totoo na malapit na nga siyang ikasal sa kanyang long-time boyfriend.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook

“I’ll share with you guys our proposal story soon. ? Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!”

Pinasalamatan rin ni Hopia ang Diyos sa pagkakaloob sa kanya ng napakabuting partner.

“Thank you Lord for giving me my destined partner. ? It’s worth the wait talaga! I love you fiance!! Yes, fianceeee na.”

Samantala, bago pa man maganap ang proposal ay napag-usapan na ang patungkol sa pag-aasawa ni Hopia, na naitampok sa kanyang mukbang vlog noong nakaraan kasama ang kanyang Daddy Ding at Mommy Minnie. Ito nga ay matapos itanong ni Hopia sa kanyang mga magulang, ang tanong ng isa sa kanyang mga tagahanga kung handa na ba ang mga itong lumagay sa tahimik ang anak.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook

“Eh di right age. Tapos ngayon ko lang na-feel na napakasarap pala ng may apo. So sa edad namin ni Mommy na senior citizen na nagkaroon ng apo, right time na palagay ko lalo pa’t kayo naman ay may hanapbuhay din na matatag. Tapos na kayo mag-aral,”saad ng kanyang Daddy Ding.

“Kumbaga ang role ng isang magulang kasi, mapagtapos ang anak at masubaybayan hanggang sa siya’y magkaroon din ng pamilya. Dapat medyo bata bata pa ‘yung lolo para makasama niya ng matagal ang kanyang mga apo. Tapos kami naman, nakasubaybay, nakasuporta para maging successful ang marriage niyo ng iyong future husband,” dagdag pa nito.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook




Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi | Facebook

Samantalang ang kanyang Mommy Minnie ay tila nagdadalawang isip pa. Ayon nga rito, ay mas nais niyang ikasal kung sakali ang anak sa taong 2022 kapag nasa ayos na ang lahat at wala ng pandemyang kinakaharap ang bansa.

MUKBANG with the PARENTS | Ready na ba sila ibigay ako? | Trina Legaspi