Dating Goin’ Bulilit Child Star na si Clarence Delgado, Pinamangha ang mga Netizens sa Kanyang Binatilyo Looks, Binatang-binata na Ngayon

Wala na ngang makakapigil pa sa paglipas ng panahon upang ang mga iniidolo nating childstar noon ay maging ganap na dalaga at binata. Kung ang dati ngang mga childstar na napapanood natin sa telebisyon ay napakacute pagmasdan sa kanilang matambok na pisngi at chubby na katawan, ngayon nga ay kahanga-hanga na ang angking kagandahan ng mga girls at mala-heartthrob naman ang dating ng mga boys.




Isa na nga rito ang Dating Goin’ Bulilit Child Star na si Clarence Delgado, na pinamangha ang mga netizens sa kanyang transformation matapos dumaan ng puberty.

Si Clarence ay kilalang-kilala ng publiko bilang isa sa pinakamahusay na childstar ng kanyang henerasyon. Una ngang ipinamalas ni Clarence ang kanyang husay at talento sa pagbibigay saya sa telebisyon sa programang Goin’ Bulilit na mapapanood sa Kapamilya Network noon.

Photo credits: Clarence Del Gado | Instagram

Pinabilib ni Clarence ang kanyang mga tagahanga, hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang napakacute na mukha. Marami nga ang giliw na giliw kay Clarence sa kanyang kacutan at chubby na katawan.

Photo credits: Clarence Del Gado | Instagram

Kaya naman, labis na namangha ang mga netizens matapos masilayan ang bagong looks ngayon ng dating childstar. Malayong-malayo na nga ang hitsura ni Clarence noon, na ngayon ay 16 taong gulang na. Mula sa dating chubby at cute na bata, ngayon nga ay mala-heartthrob na ito dahil sa kanyang gwapong mukha at magandang tindig.

Photo credits: Clarence Del Gado | Instagram

Lumikha ng ingay sa social media ang pagbabagong ito ng dating childstar. Matapos nga ang ilang taong hindi paglabas sa telebisyon, ay ganap na nga itong binata na sadyang napakagwapo. Makikita rin sa Instagram ni Clarence, na sumasabay rin ito sa mga nauusong pormahan ng kabataan ngayon.




At hindi maikakaila na may magandang panlasa ito pagdating sa fashion na talagang bagay na bagay rito ang bawat kasuotan.

Photo credits: Clarence Del Gado | Instagram

Samantala, ang mga netizens naman ay talagang napamangha sa pagbabagong naganap sa pisikal na kaanyuan ni Clarence, kaya naman puno ng paghanga ang naging komento ng mga netizens sa dating childstar.

“What a glow up, Clarence! Cute na cute ako sa iyo dahil tabachingching ka pero look at you now—fine gentleman ka na! Keep up, dude”
“Maganda ang naging epekto sa kaniya ng puberty changes. Bagay sa iyo ang slim, na-enhance ang body features mo.”
“Ang cute mo pa rin Clarence kahit big boy ka na. I miss watching Home Sweetie Home na. Ingat ka lagi ha? And your family too. Be a good boy always.”

Photo credits: Clarence Del Gado | Instagram

Sa ngayon ay hindi pa maaaring sumabak sa showbiz si Clarence, dahil na rin sa protocols na sinusunod ngayong panahon ng pandemya. Si Clarence kasi ay menor de edad pa, ngunit, nangako naman siya na kapag bumalik na sa normal ang lahat ay sisikapin niyang makabalik sa mundo ng showbiz upang magbigay saya sa mga manonood.