Entertainment
Dalawang Filipino-American, Stand-Out ang Beauty sa Miss Teen USA at Miss USA 2020

Sunod sunod ang naging pagkilala sa mga Pinay Beauty, sa mga beauty pageant ngayon, kung saan maging sa Amerika ay talaga namang hindi nagpahuli ang mga may dugong Pinoy na dalaga, at umariba sa mga beauty pageant doon.
Kamakailan lamang, ay naging usap-usapan muli ang ganda ng mga Pinay pagdating sa mga pageant, ito ay dahil sa naging pag-stand out ng dugong Pilipina sa magkasunod na national pageants na ginanap sa Amerika.
Isang 18-taong gulang na dalaga na may lahing Filipino-American, mula sa Hawaii ang naging kalahok sa Miss Teen USA, nito lamang nakaraan at ito nga ay kinilalang si Ki’ilani Arruda. Isang medical school student mula sa Standfor University.
Si Ki’ilani Arruda ay isa rin sa mga dalagang humahanga kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. At ngayon ay isa na rin siyang maituturing na beauty queen, matapos niyang koronahan bilang Miss Teen USA 2020.
Photo credits: Ki’ilani Arruda | Instagram
Samanatala, maliban nga kay Ki’ilani Arruda, isa naman sa mga inabangan ng mga Filipino sa Amerika, bilang front runner sa ginanap na Miss USA ay si Kim Layne, na mula sa Idaho at anak ng isang Filipino war veteran.
Photo credits: Ki’ilani Arruda | Instagram
Si Kim Layne, ay isa nga sa mga naging finalist ng Miss USA, kung saan ay talaga namang naging angat ang kanyang ipinakitang performance level. Bago pa sumabak sa beauty pageant, ay isang public health veterinary medicine practitioner ang propesyon ni Kim Layne.
View this post on Instagram
Nagawang makapasok ni Kim Layne sa Top 5 ng nasabing beauty pageant, ngunit bigo nitong nasungkit ang korona.
Magkaganoon man, ay itinanghal na 1st runner-up ng Miss USA si Kim Layne, samantalang ang nagwagi at siyang pinutungan ng korona ay si Aysa Danielle na mula naman sa Mississippi.
View this post on Instagram
Mula nga sa Mississippi ang magiging pambato ng Amerika sa darating na Miss Universe, kung saan ay ito ang isa sa mga makakalaban ng pamabato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines rabiya Matteo, na tubong Iloilo naman ang taglay na kagandahan.
Sa ngayon ay wala pang anumang detalye na inilalabas kung saan at kalian gaganapin ang inaabangan ng buong mundo na Miss Universe 2020 pageant.
source: push
