Dahil sa Ginawang Pagtanggi sa Perang Ibinibigay sakanya, Batang Nagtitinda ng Mansanas Umani ng Papuri sa Social Media

Sa hirap ng buhay ngayon, ay makikita natin na kahit mga kabataan, ay nagagawa ng mabanat ng buto sa mura nilang edad, upang matulungan lamang ang kanilang mga magulang, at malagyan ng makakain ang sikmura nilang kumakalam.

May iba naman na kaya nagagawang magtrabaho sa kabila ng napakabata pa nilang mga edad ay dahil sa nais nilang matustusan ang kanilang pag-aaral, na hindi kayang matustusan ng kanilang mga magulang dahil sa sobrang kahirapan ng buhay.




Kung atin nga namang iisipin ay talagang napakahirap ng kanilang kalagayan, dahil sa kanilang murang edad, ay dapat paglalaro at pag-aaral lamang ang kanilang ginagawa at hindi ang buhay na puno ng mga problema.

Samantala, sa kabila nito, ay kahanga-hanga rin naman ang mga ganitong kabataan, dahil sa kanilang murang edad, ay alam na nila kung paano pahalagahan ang perang kanilang pinaghihirapan at kung paano maging responsableng anak na tumutulong sa kanilang mga magulang.

Isa na nga sa mga halimbawa nito ay ang batang na-videohan ng isang netizens, na nagtitinda ng mansanas.

Photo credits: Xof Naraplap | Facebook

Sa naturang video na ito, ay makikita ang kasipagan ng bata, at ang pagiging determinado nito na kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta niya ng mansanas, at hindi dahil sa siya’y binibigyan lamang ng parang limos.

Ayon sa naging post ng netizens sa Facebook, na may account name na Naraplap, ay inaabutan at binibigyan na lamang umano nila ng pera ang batang nakita nila na nagtitinda ng mansanas, ito ay dahil sa ayaw nila ng manasanas, at ang nais lamang ay mabigyan ng tulong ang nasabing bata.

Photo credits: Xof Naraplap | Facebook

Ngunit hindi umano tinanggap ng bata ang pera, dahil mas gusto umano nito, na maubos ang kanyang ibebentang mansanas, para makauwi na siya, kaysa ang bigyan lamang siya ng mga ito ng pera. Dahil dito, ay nagawa na lamang bumili ng netizens ng mansanas sa bata, kapalit ng pera na ibinibigay niya .

Photo credits: Xof Naraplap | Facebook




Narito nga ang nakamamanghang naging pag-uusap ng netizens na si Naraplap at ang batang nagtitinda ng mansanas;

“Kaya nga po kayo bumili para kainin niyo”, saad ng bata.
“Parang nagbigay lang din po kayo ng pera”, ang naging dagdag pa nga nito.
“Sayo na lang yan, ibigay mo na lang sa kapatid mo”, ang naging saad naman ni Naraplap sa bata.
“Dapat po kung ano pong binili tanggapin na lang po kasi saying po ang pera eh”, ang naging mariin ngang sambit ng bata kay Naraplap, upang kunin nito ang mansanas kapalit ang perang ibinibigay niya rito.

Sa ginawa ngang ito ng bata, ay nakitaan siya ng kamangha-manghang ugali ng mga netizens, na ikinabilib at ikinatuwa ng mga ito.