Masayang ibinahagi ng celebrity mom na ngayon na si Coleen Garcia, na ang kanilang pamilya ay ay mayroong “two bundles of joy”. Una nga sa mga ito ay ang baby boy nila ng kanyang asawang si Billy, na pinangalan nilang si Amari, at ang pangalawa nga ay ang bagong silang na baby girl na kanyang kapatid sa kanyang ama.
Sa Instagram nga ng celebrity mom na si Coleen, ay ibinahagi nito ang isang larawan kung saan ay makikita ang dalawang “cute and adorable” na mga babies, ito nga ay si Amari at ang kanyang kapatid.
Kalakip ng naturang larawan ng aktres, ay ang caption na;
“My baby sister’s trying to access Amari’s milkstash, and he’s not having it!”
Photo credits: Coleen Garcia | Instagram
Ibinahagi rin ni Coleen sa kanyang Instagram ang isang “testimony of faith” na kanyang naranasan noong siya ay dumalo sa isang worship noong March 2019.
Sa pagbabalik tanaw nga ni Coleen, ay ibinahagi niya kung paanong tila inihayag ng Panginoon sa kanya, na ang kanyang Daddy ay magkakaroon ng bagong anak, at ito ang magiging daan sa bagong simula nito.
“I was in tears after God’s clearly told me that my Dad was gonna have another child, and the he was going to be given a new beginning.”
“I felt Him say that things were gonna crazy – in a good way, ofc. Don’t know how to explain it, but it was so clear, specific, and out of the blue.”
Photo credits: Coleen Garcia | Instagram
Ang ama ni Coleen na si Jose Luis Garcia, ay halos labing-limang taon ng namumuhay mag-isa o “single”, at kamakailan nga lamang ay muli itong ikinasal.
Ibinahagi nga rin ng aktres, na noon pa ay talagang “cynical” na tao lalo na pagdating sa personal na buhay nito, at nagbago lamang nga ito ng dumating nag bago nitomg “milestone” sa kanyang buhay.
Photo credits: Coleen Garcia | Instagram
Ayon nga kay Coleen, noong nabanggit niya sa kanyang daddy ang plano ng Diyos para rito, ay hindi talaga ito naniwala, ngunit makalipas lamang nga ang ilang buwan ay mayroon itong nakilala na isang babae, at ngayon nga ay asawa na nito, kung saan ay tila isa talagang milagro na nangyari sa buhay ng kanyang ama.
Mapapansin naman sa Intagram post ni Coleen na ito ay naka-tag sa isang babae na nagngangalang Sey Garcia, at dito nga ay sinabi ng aktres na talaga namang ito na ang “crazy part” ng kanyang post.
Ito ay dahil maliban sa pagiging newborn ng kanyang kapatid, ito na din ay “Auntie” na ng kanyang anak na si Amari.
Ibinahagi rin ni Coleen, na kailanman ay hindi niya na-imagined na silang mag-ama ay sabay na magpapalaki ng kani-kanilang mga baby.
“Never would have imagined that my Dad and I would be raising our babies at the same time!”
“But God know’s just awesome like that. Way-maker, miracle-worker, promise-keeper”, ang naging saad nga ng celebrity mom.