Matapos nga ang halos anim na buwang pananatili sa lungsod ng Maynila bunsod ng ipinatupad na lockdown dahil sa pandemya, at hindi kaagad nakalipad pabalik sa isla ng Siargao, ay muling nakapiling ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang surfer partner na si Philmar Alipayo. Si Philmar na mismo ang nagtungo sa lungsod upang makapiling ang kanyang mag-iina.
Samantala, nalalapit nang masilayan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya dahil ngayon nga ay walong buwan na ang ipinagbubuntis ni Andi. Ito ang pangalawang anak nila ni Philmar na talaga namang inaabangan ang nalalapit na pagdating.
Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Ngunit, bago pa man sumapit ang araw ng pagsilang ni Andi sa kanilang munting anghel, ay inenjoy muna ng aktres ang masayang yugto ng kanyang pagbubuntis.
Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Nito lamang ika-24 ng Nobyembre, ay proud na ipinakita ng 30 taong gulang na aktres ang kanyang malaking ng baby bump na ngayon ay walong buwan na habang nagswi-swimming sa pool. Sa Instagram, ibinahagi ni Andi ang kuha ng larawan habang nasa ilalim siya ng tubig at kita ang kanyang 8 months preggy belly.
“When life gets you down, do you know what you’ve gotta do? Just keep swimming, just keep swimming, swimming, swimming! Swam through 31 weeks! This pregnancy has def flown by!”
Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Hindi naman maikakaila sa caption ng post ni Andi ang pagkasabik at saya na makita ang kanilang munting anghel, lalo na ngayong kasama na nila ang kanilang Daddy Philmar.
“Soon we will meet the newest addition to our happy island fam. Our little glimmer of hope! But for now, enjoying every moment of this pregnancy, cherishing every moment of it. Just so grateful to have my fam by my side, specially now that @chepoxz is here too!”
Kung ang ibang buntis ay tila nahihirapan sa kanilang pregnancy journey, tila naman napakasimple lamang nito para kay Andi. Kahit nga nasa 31 weeks na ang dinadala sa kanyang sinapupunan ay makikita na talagang enjoy na enjoy siya sa kanyang pagbubuntis sa kanyang pangatlong anak habang masayang naliligo sa pool.
Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Sa ngayon nga, ay iniwan pansamantala ng pamilya ni Andi ang isla ng Siargao, at magkakasama ngayong namamalagi sa lungsod ng Maynila. Tiyak na ang kanilang pamilya ay mas lalong magiging masaya sa nalalapit na pagdating ng kanilang munting anghel.
Ang ipinagbubuntis ngayon ni Andi ay pangatlo na niyang anak, at pangalawa naman nilang anak ng kanyang partner na si Philmar. Ang panganay na anak ni Andi na si Ellie, ay anak niya sa dati niyang kasintahan na si Jake Ejercito. Samantalang ang pangalawa namang si Keliana Alohi o kilala bilang si Baby Lilo na isinilang ng aktres noong nakaraang taon, ay anak niya kay Philmar. Si Philmar naman ay may dalawang anak na lalaki sa mga nauna nitong nakarelasyon.