Lutang na lutang ang ganda ni Catriona Gray, sa mga kasuotan na isinuot niya sa naging pagdalo niya sa Miss Universe Colombia 2020.
Ayon sa ulat, nagtungo sa Columbia si Catriona Gray, upang maging isa sa mga hurado sa ginanap na Miss Universe Columbia 2020, na kung saan ang nakasungkit ng naturang titulo at korona ay ang naging pambato ng Blivar, Columbia na si Laura Olascuaga. Dahil dito ay siya rin ang magiging representante ng bansang Columbia, sa nalalapit na Miss Universe 2020.
Photo credits: Catriona Gray | Instagram
Samantala, agad na napakagandang balita naman para sa kanyang mga Pinoy fans na nasa Columbia ang naging salubong ni Catriona sa mga ito, dahil sa isa siya sa mga cover ng La Verista Actual magazine, kung saan ay ibinida niya na ang kanyang kasuotan sa nasabing larawan, ay detailed gown na ang may likha ay Pinoy designer na si Leo Almodal.
Maliban sa Magazine cover na ito ni Catriona, ay nagging agaw-pansin rin publiko ang naging OOTD’s na suot ng beauty queen, lalo na ang hand made embroidered saguisag suit na likha ni Frederick Berches, isa ring Filipino designer.
Naging pasabog rin ni Catriona sa kanyang social media post para sa upcoming Miss Universe Colomibia preliminary competition, ang naging pagbida niya sa kanyang photo shoot, kung saan ay highlight nito ang simbolismo ng Pilipinas.
Photo credits: Catriona Gray | Instagram
Dahil sa mga nakakamanghan pasabog ni Catriona, sa kanyang mga naging kasuotan, ay mas lalo pang inabangan ng publiko, ang magiging kaganapan sa Miss Universe Columbia, at kung ano ang magiging hitsura ng evening gown na isusuot nito.
Photo credits: Catriona Gray | Instagram
Hindi nga binigo ni Catriona ang lahat ng kanyang mga kababayan at tagahangang Pinoy, dahil noong Miss Universe Columbia, ay talaga namang “stand out” ang beuty niya tila animo’y sasabak muli sa prestihiyosong beauty pageant.
Samantala, naging naging misyon din ni Catriona ang charity event ng Smile Train Organization, kung saan ay binisita ng beauty queen ang mga batang may “cleft palate”, ito ay maliban sa naging pagdalo nga niya sa Miss Universe Columbia pageant.