Nagdiwang ng kanyang ika-24 taong gulang na kaarawan si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, noong araw ng Sabado, ika-14 ng Nobyembre 2020.
At sa spesyal na araw na ito ng beauty queen, ay may handog na spesyal at matamis na mensahe naman ang kanyang kasintahang si Neil John Fel para sa kanya, kung saan ay ibinahagi to ng binata sa kanyang Instagram account.
Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram
Kasabay nga ng pagbati ni Neil ng “Happy Birthday” sa kasintahan nitong si MUP Rabiya Mateo, ay inilahad din nito kung gaano siya kasaya na nakikita ang kasintahan na unti-unti ng natutupad ang mga pinapangarap nito sa buhay.
Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram
Ibinahagi rin ni Neil, kung gaano siya ka-proud sa lahat ng tagumpay ngayon sa buhay ni Rabiya.
“Happy Birthday Love. I still get so emotional and felt so surreal seeing you achieving all the dreams and harvesting all the blessings you deserve for all the hard work you’ve done since you we’re young. Being proud is an understatement to what I feel towards your success. You’ve sacrificed so much in life thru you, and I know you’ll use the influence you have to spread kindness and optimism to whoever you’ll meet along the way. Stay Phenomenal my love!!! I LOVE YOU”, ang naging mensahe nga ni Neil kay Rabiya sa kaarawan nito.
Samantala, matatandaan na matapos tanghaling Miss Universe Philippines ni Rabiya Mateo nito lamang nakaraang buwan ng Oktubre 2020, ay agad ring inamin ng beauy queen na siya ay mayroon ng kasintahan, at ito nga ay ang kanyang “first boyfriend” at sila ay nasa halos 6-taon ng magkarelasyon.
Ayon nga sa iba pang ulat, kolehiyo pa lamang ang dalawa, ng magkakilala, kung saan ay nag-aaral si Rabiya bilang isang therapist at nag-aaral naman ng nursing ang boyfriend nitong si Neil.
Ibinahagi pa nga noon ni Rabiya, na sa bawat tagumapay na mararating niya sa buhay, ay hindi niya iiwan ang kasintahang si Neil, dahil sa simula pa lamang ay parte na ito ng kanyang buhay, at kasama niya sa naging pagtupad ng kanyang mga pangarap.
“We will make sure to work things out. If it’s true love, it will never end” – Rabiya Mateo.