Bianca Manalo at Boyfriend na si Sen. Sherwin Gatchalian, Nagdiwang ng Kanilang Ika-2 Anibersaryo Bilang Magkasintahan

Ibinahagi ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo, ang kanyang matamis sa mensahe para sa boyfriend niya si Sen. Sherwin Gatchalian, sa araw na silang dalawa ay nagdiriwang ng kanilang ika-2 anibersaryo bilang magkasintahan.

Nito nga lamang ika-18 ng ng Nobyembre, araw ng Miyekules ay ang ika-2 anibersaryo bilang magkasintahan nina Bianca Manalo at Sen. Gatchalian.




Kaya naman sa Instagram ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo, ay ibinahagi niya ang “sweet photos” nilang magkasama ng boyfriend niyang si Sen. Sherwin, kung saan ay kuha ang larawan sa isang beach, at kasabay nito ay ang naging pagbati niya dito ng “happy anniversary.”

Photo credits: Bianca Manalo | Instagram

Maliban nga sa kanilang “sweet photos”, ay ibinahagi rin ni Bianca, ang natanggap niyang boquet of flowers mula sa senator, noong araw ding iyon ng kanilang anibersaryo.
At kalakip ng larawan na ito ng napakagandang bulaklak, ay ang caption ng aktres ng kanyang pasasalamat;

“Thank you for the flower, babe”, saad ng ani Bianca.

Buwan ng Nobyembre din noong nakaraang taon ng aminin ng aktres sa publiko ang relasyon nila ni Senator Gatchalian, matapos nga niya itong batiin noon sa kanilang unang anibersaryo sa pmamagitan rin ng Instagram.

Photo credits: Bianca Manalo | Instagram

Samantala, matatandaan naman na nito lamang buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon(2020), ay naging usap-usapan ang pagiging engage na umano ng magkasintahan, ito ay matapos lumabas sa social media ang kanilang “dramatic photo” na ang kanilang background sa nasabing larawan, ay ang napakaganda at sikat sa buong mundo na Eiffel Tower sa Europe.




Agad namang nilinaw ni Sen. Gatchalian, ang naging usaping ito sa isang panayam sa kanya, kung saan ay sinabi niya na ang larawan ay hindi isang bahagi ng prenuptial photo, bagkus ito’y isang souvenir photo lamang nilang magkasintahan sa Europe.

“Hindi pre-nup ‘yun. Souvenir photo sa Europe ‘yun” ang naging paglilinaw nga noon ni Sen. Sherwin Gatchalian, matapos tanungin kung nag-proposed na ba ito kay Bianca Manalo sa City of Lights.

Photo credits: Bianca Manalo | Instagram

Ibinahagi pa nga ng senator, na sa ngayon ay mas ine-enjoy muna nila ng kasinatahan ang kanilang relasyon at pagdi-date.

“Wala, hindi pa kami engaged but seriously dating”, dagdag pa ng senador.

Ayon pa nga kany Sen. Gatchalian, pinag-uusapan na rin naman nil ani Bianca ang mga ganoong bagay, kasabay ng pagdarasal na magyayari ito sa takdang panahon.

Sa ngayon, ay parehong abala ang magkasintahan sa kanilan “career”. Si Bianca, ay abala pa sa pagiging isang aktres, kung saan ngayon ay kabilang pa rin siya sa mga karakter sa “FPJ, Ang Probinsiyano”, habang si Sen. Sherwin Gatchalian naman ay abala sa pag-ganap niya sa tungkulin bilang senador ng ating bansa.