Masayang ibinahagi ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, na si Wynwyn Matquez, isang beauty queen-actress, ang kanyang naging pagtatapos at pagiging ganap ng Marine reservist ng Philippine Naval Reserve CommandMatapos ang ilang buwan na buwis-buhay na mga trainings, ay isa ng Marine Reservist ngayon ng Philippine Naval Reserve Command si Wynwyn Marquez.
Nito lamang nakaraan, natapos ang lahat ng mga trainings ng dalaga, kung saan ay maliban sa pagiging isa niyang ganap na marine reservist, ay naging Presidente pa siya sa kanilang klase, at naging number 1 sa kanilang magkaka-batch.
Samantala, matatandaan na noong buwan ng Agosto 2020 ng pasukin ng dalaga ang Philippine Navy, at dito nga ay nagsimula siyangsumailalim sa Basic Citizens Military Training (BCMT).
Sa Instagram ni Wynwyn, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mga larawan, kung saan kinunan ang mga ito sa loob ng military camp.
Kalakip nga ng mga larawan na ito, ay ang caption ng dalaga na naglalaman, ng kanyang naging pasasalamat sa lahat, ng mga sumuporta sa kanya, at sa naging maayos at pantay na pakikitungo sa kanilang lahat.
“Last February, I enlisted to become a Marine Reservist under the Philippine Naval Reserve Command & when COV!D-19 hit us we were asked if we still wanted to continue with our training and I said YES.
“During the difficult times, attending this Reservist Training (whicj I religiously attended all classroom lectures, drills and even joined the 3-day Field Training Exercise in Cavite as the culmination of our training course) has become one of my motivations to keep on moving forward and to continue to serve others despite the limitations and uncertainties.”
“I am so honored to be one of the small number of women to join this training as it matches with my passion to encourage and empower our Filipino women.”
“The training was no easy feat as I was expected to experience hardship like everyone with no special treatment or privileges. I was seen as not aa ‘Wynwyn the actress and beauty queen’ but as a cadet Marquez – a fellow Filipina and sister to may batchmates.”
Ayon nga kay Wynwyn ay hindi siya itinuring na espesyal sa kanilang naging pagsasanay bilang reservist, kahit pa nga ba siya’y isang beauty queen o actress.
Pinasalamatan rin nga ng dalaga ang lahat ng mga sumuporta sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya, mga batchmates, at iba pang mga tao na tumulong sa kanya upang mapagtagumpayan ang”training” na kanyang ginawa.
Hinikayat naman ni Wynwyn, ang iba pang mga nais na pumasok sa pagiging reservist, na nais maglingkod sa bayan.