Nakakabilib ang talento ng aktres na si Bea Alonzo pagdating sa pagme-make up. Ito nga ay matapos ipakita ng aktres ang kanyang naging transformation sa kanyang calavera o sugar skull make up para sa pagdiriwang ng Halloween.
Dahil sa pandemya, ay hindi makalabas ng tahanan kaya naman mas pinili ng aktres na si Bea ang maging resourceful upang makamit ang kahanga-hangang transformation gamit lamang ang mga bagay na makikita sa loob ng kanyang tahanan.
Photo credits: Bea Alonzo | Instagram
Gamit lamang ang makeup foundation, eyeliner, eyeshadow, lipstick, eyelash glue, at ilang sequins ay talaga namang ang ganda ng kinalaban ng kanyang make up transformation. Mas lalo namang naging makatotohanan nag kanyang “sugar skull” costume sa paglalagay niya ng blue contact lenses, wig, at isang headdress.
Photo credits: Bea Alonzo | Instagram
Saad naman ni Bea, ngayong panahon ng pandemya at hindi makalabas ng bahay upang dumalo sa mga Halloween party, ay perpekto ang make up na ito sa mga Zoom parties. At kahit umano half body lamang ang ipakita ay maganda parin, hindi katulad ng mga Halloween party kailangan talaga ng kabuuang costume.
Photo credits: Bea Alonzo | Instagram
“Right now, wala tayong parties even at home. Or we can’t go out. So this makeup is perfect for your Zoom parties and it will work just for this. And may mga Halloween costumes na dapat total package, ‘di ba? But this one, okay lang na [half body] lang ang shot.”
Ayon kay Bea, ang sugar skull make up ay ginawa rin niya noong 2017 sa pagdiriwang rin ng Día de los Muertos or Day of the Dead, noong Halloween kung saan ay nakasama niya ang real life couple na sina Liza Soberano at Enriquel Gil back sa Seattle, USA.
Photo credits: Bea Alonzo | Instagram
Ito umano ang mga panahon na may ginagawa silang proyekto sa ibang bansa kung saan ay naabotan sila ng Halloween tatlong taon na ang nakakalipas. At ang nangyari nga ay dumalo sila sa Día de los Muertos or Day of the Dead, ito ay isang Mexican tradition kung saan inaalala ang mga yumao. At ang naging costume ni Bea ay ang calavera o Sugar skull na siya mismo ang gumawa.
“I did this makeup when I was in the States with Liza and Enrique for a series of shows. Naabutan kami ng Halloween nu’n sa Seattle I think two or three years ago. I did the makeup on my own. If you are not familiar with Día de los Muertos or Day of the Dead — it’s a Mexican tradition where they celebrate their lost loved ones.”