Hindi nakalampas sa mata ng mga mapanuring netizens ang Twitter post ng aktres na si Angelica Panganiban na animo’y may pinapasaringan, kaya naman agad nagtrending ang post na ito ng aktres. Noong ika-1 ng Nobyembre, habang kasagsagan ng pananalasa bagyong Rolly, ay nagpost ang Kapamilya aktes patungkol sa tungkulin at responsibilidad ng mga nakaupo sa pwesto sa pamahalaan.
Ayon nga sa post ni Angge, ay kung ano umano ang plano ng mga ito upang gampanan ang tungkuling sinumpaan sa bayan.
“Ano nang plano? Tulog na lang? Kilos-kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino”,saad ni Angge sa kanyang Twitter post.
Photo credits: Twitter
Agad namang umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post ni Angelica mula sa mga netizens. At ang hindi nga inaasahan na pagsagot at pagbigay ng reaksyon sa isyu ng Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran na idinaan sa isang facebook post kalakip ang screen shot Twitter post ni Angelica.
Ayon nga kay DOTr Asec Libiran, ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang gampanan ang kanilang tungkulin, at sa katunayan umano nito ay halos wala pa silang tulog. Sinabi rin ni DOTr Asec Libiran, na sa panahon ng kalamidad ang karapat-dapat gawin ay magtulungan at magkaisa hindi ang maghilahan pababa.
“Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang.”
Photo credits: Facebook
Tila naman nahati ang reaksyon ng mga netizens sa pahayag ng aktres at ng DOTr Asec Libiran. May mga netizens na sumang-ayon kay Angge at meron rin naman sa DOTr Asec Libiran, kung saan ay ibinigay nila ang kanilang mga opinyon.
Saad nga ng isang netizen,““Ay Ma’am guilty ka kaagad? Ano ngayon kung wala kayong tulog ? Eh di matulog ka. Saka trabaho ninyo ‘yan… Sinusuwelduhan kayo galing sa tax ng bayan kaya wala kayong karapatang magreklamo.. Kung magrereklamo ka sa mga puna eh di mag-resign ka!”
Ang netizen naman na pumanig kay DOTr Asec Libiran, ay sinabi na dapat umanong sumunod at maging updated ang aktres sa ginagawa ng gobyerno upang magkaroon ito ng kaalaman.
“Tama naman si Asec. Angelica Panganiban is one of my favorite actresses, pero kung wala rin naman po kayong maitutulong, mas makabubuti pong shut up na lang. Dapat follow na lang din ang government pages para matauhan kayo nang kaunti o magkaroon ng hiya bago mag-Tweet.”
Naging patas naman ang saloobin ng isang netizen at sinabi:
“May karapatan si Angelica magpahayag ng kaniyang saloobin, at may karapatan din naman si Asec na linawing may ginagawa sila.”
Noong ika-1 ng Nobyembre, sa mismong araw ng All Saints Day at gitna ng pananalasa ng bagyong Rolly sa bansa, ay naging mainit na usapin ang paghahanap ng mga netizens sa pangulo at #1 trending sa Twitter ang hashtag #NasaanAngPangulo. Ito ay dahil hindi raw mahagilap si Pangulong Rodrigo Duterte habang nananalasa ang bagyo. Nang mga sandaling iyon kasi ay umuwi ang pangulo sa Davao.
Samantala, nang humupa naman na ang bagyo ay agad na bumalik ang pangulo sa Maynila noong ika-2 ng Nobyembre. Dumaan rin ang Pangulong Duterte sa Albay upang silipin ang naging pinsala ng Bagyong Rolly sa lugar. Ang lalawigan ng Albay ang may pinakamalaki at pinakamalawak na napinsala ng bagyong Rolly, na halos lahat ng bahay ay nalubog sa baha at marami rin ang mga ari-ariang napinsala.