Nalalapit na nga ang araw ng pasko, kaya naman ramdam na ang kapaskuhan sa bawat sulok ng tahanan ng aktres na si Marjorie Baretto.
Marami sa atin ang talaga namang ‘excited’ mag-ayos ng bahay sa tuwing nalalapit na ang kapaskuhan. Iba’t ibang mga palamuti na sumisimbolo ng Pasko, ang ating inilalabas ang ginagawang dekorasyon sa ating mga tahanan. At siyempre panigurado na hind magpapahuli dito ang ating mga celebrity.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
Isa na nga sa mga celebrity na nauna ng ibida ang kanyang naging Christmas décor sa loob kanilang tahanan ay aktres na si Marjorie Baretto. Sa bagong vlog ng aktres, ay ipinakita nito na bawat sulok ng kanyang bahay ay nilagyan niya ng mga dekorasyon na nagpapa-alala na malapit na ang araw ng Pasko.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
Sa simula ng vlog ni Marjorie ay sinabi nito na ito na ang magiging simula ng kanyang “Christamas vlog series”, kung saan ay ibabahagi niya ang ilan sa mga kinalakihan niyang tradisyon ng kanilang pamilya. Ibinahagi rin ng aktres, sa vlog niyang ito ang mga “recipe”, ng mga pagkain na kadalasan niyang inihahain sa pamilya, tuwing araw ng Pasko.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
“Today is really special because it marks the beginning of my Christmas vlog series. Christmas time is the happiest season of the year not only for the most people but most especially for my children. I really designed it that way”, ang naging saad ng ani Marjorie.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
“I really made sure na simula pa lamang nang mga bata pa sila they really would look forward to the Christmas season because dun lalabas lahat ng Christmas decorations ko, Christmas recipes, our gift-giving tradition, and many, many others which I’ll will be sharing with you in the coming weeks”, ang naging dagdag pa ng aktres.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
Saad pa ni Marjorie, hindi na bago sa kanyang mga tagahanga ang kanyang bahay, ngunit ito umano ang unang pagkakataon na ipapakita niya ito na puno ng mga dekorasyon para sa darating na araw ng kapaskuhan.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang vlog, ay noon pa man ay talaga namang tuwing nalalapit na pagsapit ng kapaskuhan, ay pinaghahandaan na niya ang magiging dekorasyon ng kanyang tahanan.
Kaya naman ngayong taon, kung saan ay nakakaranas tayong lahat ng p@ndemy@, ay mas lalo pang pinaganda at dinamihan ni Marjorie ang kanyang mga Christmas décor sa loob ng tahanan, para mas lalo pang maramdaman ang saya ng paparating na kapaskuhan ngayong taon, kahit na marami mang pagsubok ang ating naranasan.
Photo credits: Marjorie Baretto | Youtube
Samantala, ilan sa mga Christmas decors na matatagpuan sa loob ng bahay ni Marjorie ay ang sariwang halaman ng poisenttia, Christmas tree, mga dekorasyon na nabili niya sa Dapitan at mga Christmas balls na naipon niya sa mga nakaraang mga paskong lumipas.
Bago naman matapos ang vlog ng aktres, ay ibinahagi rin nito, na hindi kinakailngan na laging bumili ng dekorasyon para sa Christmas tree, lalo na kung maaari pa namang magamit o ma-recycle nag mga lumang dekorasyon na ginamit noon.