Isa sa mga aabangang bagong mukha ngayon sa telebisyon ng Kapuso GMA Network, ay ang magandang dilag na si Daniela Cristofani, o mas kilala sa kanyang screenname na Ella Cristofani.
Si Ella Cristofani ay unang nakilala ng publiko ng siya ay maging kalahok ng orihinal na Kapuso artista search na “StarStruck”. Hindi man pinalad sa nasabing kompetisyon, ay nagkaroon naman ng maraming mga tagahanga ang dalaga, at naging matibay ang pakikisama niya sa mga kapwa niya female competitors, na nakalaban niya sa nabanggit na talent search.
Sa kabila nga ng hindi niya pagkapanalo sa StarStruck, ay pinalad pa rin ang dalaga na mapasok ang showbiz, ito ay dahil sa talaga namang siya ay may angking ganda na pang-artista looks.
Photo credits: Ella Cristofani | IG
Makikita nga sa mga larawan ni Ella Cristofani ang kanyang pagiging “fresh-looking”, na nagbibigay sa kanya ng good awra, at napakagaan na vibes, kaya naman talagang lumalabas pa lalo ang kanyang taglay na kagandahan.
Hindi nga lamang basta maganda itong si Ella, dahil makikita sa kanyang mga larawan sa Instgram, ang pagiging magaling niya sa pagdadala ng kanyang kasuotan.
Photo credits: Ella Cristofani | IG
Isa nga sa mga talaga namang nakahahanga na kanyang larawan, na siya’y naka OOTD ay ang larawan niya kung saan ay nakasuot siya ng cool at casual street style.
Photo credits: Ella Cristofani | IG
Maliban nga sa magandang mukha ni Ella, ay hahangaan rin sa kanya ang kanyang napaka-cute at napakagandang mga ngiti.
Ayon naman sa ilang mga ulat tungkol kay Ella, ay hindi umano nangangamba ang dalaga na mag-eksperimento sa magiging pag-aayos sa kanyang sarili. Kung saan, ay siya mismo ang nagme-makeup sa kanyang mukha, at nag-aayos ng kanyang buhok.
Photo credits: Ella Cristofani | IG
Sa Instagram post nga ng dalaga, ay makikita ang kanyang bagong upload na larawan, kung saan ay talaga namang makikita na napakaganda niya, kaya naman umani agad ang larawan niyang ito ng maraming mga papuri at paghanga mula sa kanyang mga followers.
Photo credits: Ella Cristofani | IG
Samantala, wala na tayong duda sa gandang taglay ni Ella Cristofani? Ang inaabangan naman ngayon ng marami sa atin, ay ang husay at talento na ipapakita nito sa kanyang magiging pagpasok sa Kapuso.