Para sa aktor na si John Lloys Cruz, ay ibang klaseng kaligayahan ang naging dulot sa kanya, ng siya ay maging isang ama na. Ayon nga sa aktor, ang pagkakaroon ng anak, ay tunay nga namang hindi matutumbasan ng kahit anong bagay, lalo na ang kaligayahan na idiinulot nito sa iyong buhay.
Batid nga ng marami sa atin na ang matinee idol at aktor na si John Lloyd ay mayroon ng isang anak na lalaki, at ito ay si baby Elias, na ang ina ay ang dating karelasyon ni Lloydie na si ellen Adarna.
Ayon kay John Lloyd, si baby Elias ang itinuturing niyang “My Little savior” ng kanyang buhay.
Photo credits: google.com
Samantala, matagal tagal na ring hindi nakakapanayam si John Lloyd Cruz sa telebisyon, ngunit ngayon ay muli itong nagpa-interviews sa Tv matapos ang apat na taon.
Nakapanayam kamakailan lamang ni Tito Biy Abunda si John Lloyd sa pamamagitan ng digital talk show nitong “Best Talk”, kung saan ay napag-usapan nila ang buhay na ngayon ng aktor, at maging ang ilang mga dahilan nito sa naging desisyon na iwan muna ang mundo ng showbiz, kahit pa nga ba namamayagpag siya sa kasikatan.
Photo credits: google.com
Ayon nga kay John Lloyd, dumating siya sa punto ng buhay niya na naramdaman niya na tila kailangan na muna niyang huminto at tumigil sa lahat ng kanyang ginagawa. Kung saan na-realize din umano niya, sa mga nangyayari ngayon sa mundo, na ang buhay ay sadyang maiksi lamang, kaya mas pinili niyang bigyan muna ng halaga at atensiyon ang mga bagay na hindi niya pwedeng ikaila.
Nang tanungin naman ang akto, kung masaya ba ito sa kanyang buhay ngayon, ay agad nitong inamin na walang kasing-saya ang buhay niya ngayon, lalo na’t mayroon siyang makulit at cute na 2-years old na anak.
“Wala na yatang mas liligaya pa kapag mayroon kang maliit na anak, na 2-yrs oldna ang kulit. Wala ng kasing saya. Ang lupet. My little savior”, pahayag ng ani Lloydie.
Photo credits: google.com
Bago pa man matapos ang panayam na ito kay John Lloyd Cruz, ay ibnahagi nito na siya ay mayroong upcoming movie, at ito ay ang “Servando Magdamag”, kung saan ay kasama niya rito si Lav Diaz, at mula naman ito sa award-winning short story ni Ricky Lee.
Malapit na nga umaning mapanood ang pelikulang ito ng aktor, kung saan ang kwento nito ay tumatalakay sa pinagmulan ng ‘Karah@sn at Kas@ma@n” sa Pilipinas.