Andi Eigenmann at Jake Ejercito May Sweet na Mensahe sa Kanilang Anak na si Ellie Para sa Pagdiriwang nito ng kanyang ika-9th na Kaarawan

Hindi man nauwi sa happy ending ang relasyon ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, ay maayos naman ang ugnayan ng dalawa para sa kanilang anak na bunga ng kanilang pagmamahalan noon. Ito nga ang napakagandang si Ellie, na ngayon ay siyam na taong gulang na.




Ika-23 ng Nobyembre, araw ng Lunes, ay masayang nagdiwang ng kanyang ika-9th birthday si Ellie. At sa espesyal na araw na ito, ay nagpaabot ng mensahe ng pagbati ang kanyang mga magulang na sina Andi at Jake sa kani-kanilang Instagram account.

Ang aktres na si Andi Eigenmann ay ipinahayag sa kanyang mensahe ang kanyang labis na pagmamahal sa panganay na anak. Ayon nga kay Andi, ay labis ang kanyang pasasalamat sapagkat ipinagkaloob sa kanya si Ellie. At hindi niya ito kaylanman ipagpapalit sa anumang bagay. Dahil nga, sa paglipas ng mga taon ay mas lalo pang nagiging espesyal umano si Ellie kay Andi, ay ito ang kanyang nagsisilbing inspirasyon upang gawin ang abot ng kanyang makakaya bilang ina nito.

“Today we celebrate 9 years of life for my firstborn ELLIE! 9 years of bringing so much life into mine as well. I wouldn’t trade having you for anything in this world my dearest Elle belle. I will forever be grateful that the universe gave me YOU. You only become more and more special to me as the years go by, and that’s exactly what inspires me to do my best as your mom, because that’s what you deserve.”

Pinasalamatan rin ng aktres ang kanyang panganay sa pagiging isang mabuting anak nito. At habang lumalaki umano ito, ay patuloy rin ang pagbibigay nito ng saya at kaligayahan sa buhay at puso niya.

“Thank you so much for being YOU. Just watching you grow into such an admirable lady brings me sooo much joy and fills my heart with pride. I am in awe of the person you have become — an amazing, funny kid with a big big heart, and it has been such a privilege to be your mom! HAPPY BIRTHDAY ELLIE. You are soooo loved and cared for. Always, always.”

Samantala, ang ama naman ni Ellie na si Jake, ay nagpaabot ng mensahe sa Instagram para sa kaarawan ng kanyang anak kung saan nilakipan ito ng mga larawan at ilang video na kuha sa masayang selebrasyon ng kaarawan ni Ellie kasama ang kanyang pamilya.

Saad nga ni Jake, ay talagang namamangha siya sa paglaki ng kanyang anak, dahil ipinapakita umano ni Ellie kung gaano ito kabuti at mapagmahal na anak. Mababakas rin sa mensahe ng aktor ang pagmamahal sa anak, at tinawag pa niya itong “princess”.




“Who you are and who you’re becoming is truly amazing to witness. Happy birthday to the coolest and loveliest in my galaxy! Love you love you, my princess.”

Matatandaan na nagkaroon ng relasyon sina Andi at Jake kung saan ay nagbunga ng isang anak na babae. Nauwi man sa hiwalayan, at nasangkot sa kontrobersya, ay naayos naman at nagkasundo na magkaroon ng magandang relasyon bilang mga magulang sa kanilang anak.

Sa ngayon, ay may kanya-kanya ng buhay ang dating magkasintahan. Ang aktres na si Andi ay masayang namumuhay sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo, kasama ang kanilang anak na si Baby Lilo at panganay ni Andi na si Ellie. Nalalapit na ring salubungin nina Andi at Philmar ang pagdating ng kanilang pangalawang anak.