Masayang ibinahagi ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, ang panibagong yugto sa kanilang buhay ng kanyang kasintahang si Melissa Gohing, at ito nga ay ang pagiging engage na nilang dalawa.
Sina Rocco at Melissa, ay nasa halos tatlong taon ng magkasintahan, kung saan noon lamang nakalipas na buwan ng Setyembre ay ipinagdiwang nila ang ika-3 taong anibersaryo nila bilang magkasintahan.
At ngayon nga, ilang buwan pa lamang ang lumilipas, ay isa na namang masayang balita patungkol sa kanilang relasyon, ay masayang ibinahagi ni Rocco Nacino sa publiko.
Nito nga lamang Biyernes ng gabi, ika-20 ng Nobyembre, ay inanunsyo ng aktor sa kanyang Intagram post ang naging engagement nila ng kasintahang si Melissa, kung saan ay ibinahagi niya ang mga larawan nilang dalawa.
“And she said Yes! I love you forever @gohingmelissa”, ang naging saad nga ng akktor sa kanyang Instagram caption.
Samantala, ilang oras matapos ang naging pag-anunsiyo na ito ng aktor sa pagiging engage na nila ng kasintahan, ay makikita na ang naging pagbabahagi ng Nice Print Photograpy sa mga larawan ng magkasintahan, na kinunan sa ginanap na “surprise proposal.”
Marami naman sa mga kaibigan ng magkasintahan sa showbiz, ang nagpa-abot ng “congratulatory message” ng malaman ang magandang balita na ito sa buhay ng magkasintahan. Kabilang sa mga ito sina, Dondon Dantes, Winwyn Marquez, Heart Evangelista, John Prats, Mark Herras, Jasmine Curtis-Smith, Doug Kramer, Chesca Garcia, Rodjun Cruz, Dianne Medina at Ara Mina.
Samantala, matatandaan naman na noong buwan ng Setyembre, sa naging panayam kay Rocco Nacino, ay naibahagi na nito, na handa na siyang mag “settle down” sa buhay, katuwang ang kasintahang si Melissa.
“Super, yeah”, ang naging kasagutan nga noon ni Rocco, ng tanungin ito kung nakikita na ba ang sarili na pakakasalan ang Creamline player.
Ibinahagi rin noon ng aktor, kung paanong nag-click ang relasyon nila ng kasinatahan, sa kabila ng marami nilang pagkaka-iba sa buhay.
“Nakita ko sa kanya kung anong meron na rin ako – ‘yung fire, ‘yung hunger and sobrang nagja-jive kami when it comes to talking about everything”, saad nga noon ng binata.