Sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin ngayon dahil sa pagkalat ng Corona Virus sa ating bansa, ay hindi ibig sabihin nito na hindi na natin maaaring ipagdiwang ng masaya ang mga espesyal na selebrasyon sa ating mga buhay.
Katulad na lamang nga ng naging pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak ng celebrity couple na Pauleen Luna at Vic Sotto na si Talitha “Tali” Sotto, o mas kilala natin sa tawag dito na si Baby Tali.
Kahit pa nga mayroong pandemya, ay masaya pa ring ipinagdiwang ni Baby Tali ang kanyang ika-3 kaarawan, at ang simpleng selebrasyon na ito ay ginanap lamang sa kanilang bahay, kung saan ay mga kapamilya at iilang mga kaibigan lamang ng kanyang mga magulang na si Vic at Pauleen ang dumalo.
Makikita nga sa Instagram ng mag-asawa, ang kanilang naging pagbabahagi ng naging selebrasyon ng kaarawan ni Baby Tali. Kung saan ito ay isang princess sofia-themed party, na talaga namang naka-outfit pa ng gown ng Sofia the Princess si Baby Tali.
Mababakas rin sa bawat larawan ni Baby Tali, na sobra ang kasiyahan nito, base na rin sa kanyang mga ngiti, at talagang nag-enjoy ito sa naging selebrasyon ng kanyang ika-3 kaarawan.
Maliban pa nga sa mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Baby Tali, ay makikita rin sa Instagram ng mommy nito na si Pauleen Luna ang mensahe na inilahad nito para sa anak.
“Happy birthday to this Ball of Sunshine! Thank you for bringing great joy to our lives anak! You are a blessing to us and to a lot of people.”
“I pray that you’ll grow up to be a kind and giving person. We are grateful for your love anak! Thank you for giving meaning and purpose to my life. Happy 3rd birthday!”
ang naging pagbati at mensahe ng ani Pauleen para kay Baby Tali.
Matatandaan na noong nakaraang taon, ng mag-celebrate si Baby Tali ng ika-2 kaarawan nito, ay kasamang nagdiwang ng pamilya nina Pauleen Luna, Vic Sotto at Baby Tali ang mga ulilang bata at madre na nasa Saint Rita Orphanage sa Paraňaque City.