Anak ng Mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, Cute na Cute at Talagang Nakaka-aliw sa Kanyang 8-Months Photoshoot

Nauuso ngayon pagdting sa mga little ones (baby) ng pamilya, ay ang monthly photoshoot na ginagawa ng kani-kanilang mga magulang sa kanila tuwing sila’y magdiriwang ng kanilang birth month day o monthly birthday.
Isa nga sa mga mommy ngayon na talaga namang naaaliw na i-photoshoot ang kanyang baby tuwing birth month day nito ay ang tinaguriang diyosa ng industriya ng showbiz na si mommy Anne Curtis.




Simula nga ng isilang ni Anne ang kanilang unang anak ng kanyang asawang si Erwan Heussaff, na si Baby Dahlia, ay talaga namang walang naging palya si Anne na kunan ng larawan ang kanyang cute baby girl tuwing ipagdiriwang nito ang monthly birthday nito. Kung saan ay maging ang mga tagahanga ng actress-host ay kinaaliwan at inaabangan na nga kada buwan ang gagawing photoshoot ni Anne kay Baby Dahlia.

At nito ngang ika-2 ng Nobyembre ay muling inabangan ng mga netizens at tagahanga ni Anne ang traditional monthly photoshoot ni Baby Dahlia, kung saan ang nasabing buwan at araw ay ang ika-8 monthly birthdate nito.
Ngunit lumipas ang buong araw ng November 8, ay walang anumang nagging pagbabahagi si Anne Curtis ng larawan o nagging photoshoot ni Baby Dahlia, na ipinagtaka naman ng mga netizes.

Pagdating ng umaga, ika-3 ng Nobyembre ay makikita ang nagging pagbabahagi ni Anne ng mga larawan ng mga magagandang bulaklak, ngunit ang hinahanap ng mga mata ng mga netizens ay ang cute na cute na si Baby Dahlia na nakasanayan na nilang makita sa social media ng actress -host.

Hindi naman nagtagal ay nagbahagi na rin si Anne ng mga larawan ni Baby Dahlia, kung saan ay ito na nga ang photoshoot ng cute na cute na baby, sa ika-8 months old nito.

Makikita nga sa larawan ni Baby Dahlia, ang mabilis na paglaki nito, kung saan ay mas lalo pang nasisilayan ngayon ang napaka-cute nitong mukha, at bungisngis nitong mga ngiti.

Sa kabila naman ng cute ng photoshoot ni Baby Dahlia, kung saan ay masaya itong nakangiti habang naglalaro ng kanyang laruan, at nasa likod ang number standee na 8 na mayroong dekorasyon na mga bulaklak, ay ibinahagi ni Anne na hindi na ganun kadaling makunan ito ng larawan, dahil sa talaga namang napakalikot na ng kanyang Baby Dahlia.




Kalakip ng ika-8 months old photoshoot photos ni Baby Dahlia na ibinahagi ni Anne Curtis sa kanyang social media account, ay ang caption niya na;

“Baaahhhh! Yesterday, marked 8 months of being with my reallife Doll-Dahlia. So many milestone this month – one being crawling hence the STRUGGLE taking this picture and the need to put a toy to keep this super kulit & cheeky little coccinelle in place [lady bug] I wonder if I’ll still be able to take a piccie next month? Love her to bits and pieces. Styling & Set Design: Mommy Photographer: Mummy Hypeman: Papa @erwan”

Mapapansin natin noon na pahapyaw lamang kung ipasilip ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ang kanilang anak na si Baby Dahlia sa publiko, ngunit ngayon ay talaga namang proud parents na ang mag-asawa, dahil sa halos lahat ng milesstone sa mabilis na paglaki ni Baby Dahlia ay akanila ng ibinabahagi sa kanilang mga tagahanga, tulad nga ng mabilis nap ag pagapang na nito at kung gaano na ito ka-curious sa mga bagay na nakikita nito sa kanyang paligid.

Marami naman sa mga tagahanga ni Anne Curtis ang talagang aliw na aliw kay Baby Dahlia, ito ay dahil sa talaga namang nakuha nito ang pagiging palangiti ng kanyang ina, at syempre dahil na rin sa cute na cute nitong mukha.