Ilang buwan matapos isilang ang kanilang panganay na anak, mag-asawang Slater Young at Kryz Uy, pinabinyagan na ito.
Si Slater Young ay isang kilalang modelo at entrepreneur, samantalang si Kryz Uy naman ay isa sa mga popular na vlogger-author. Silang dalawa ay ikinasal noong buwan ng Pebrero taong 2019, sa Cebu City kung saan sila namamalagi ngayon.
Kilala rin si Slater Young bilang isa sa mga naging big winner ng Pinoy Big Brother, noong taong 2012.
Isang taon matapos ang naging kasal ng dalawa, ay isinilang naman ni Kryz ang kanilang panganay na anak noong ika-2 ng Hunyo 2020, sa Chong Hua Hospita sa Mandaue, Cebu City. At ito nga ay isang malusog na baby boy, na pinangalanan nilang si Scottie Knoa.
Hindi nga maikaka-ila ng mag-asawa na ang pagdating ng kanilang anak, ang mas nagbigay ng kasiyahan at kulay sa buhay nilang dalawa, at nagpatatag pa lalo sa kanilang pagsasama.
Samantala, halos limang buwan na nga matapos ang naging pagsilang kay Scottie Knoa, ay masayang ibinahagi ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy, na ito ay kanila ng pinabinyagan.
Sa Instagram ni Kryz Uy, ay masaya nitong ibinahagi ang larawan nilang pamilya, kung saan ay kuha ito sa naging binyag ng kanilang anak na si Scottie Knoa. Ang naturang binayagan ay ginanap sa Cebu.
Kalakip naman ng larawang ito, ay ang caption ni Kryz na;
“Scottie boo’s Baptism day.”
Makikita naman sa larawan ng mag-anak, ang isang masayang pamilya, lalo na’t karga-karga ni Kryz ang cute na cute at napakalusog na si baby Scottie.
Maliban nga sa larawan na ito na kuha noong araw ng binyag ni Scottie Knoa, ay makikita pa sa Instagram account ni Kryz ang mga cute na larawan ng kanyang baby boy, kung saan ay iba’t ibang mga costume nga ang suot nito.
Tila bago nga ito bininyagan ay nagkaroon pa ng mga photoshoot ang 5-buwang sanggol ng mag-asawang Slater at Kryz, dahil sa mga larawan nito na nakabihis ito ng pang baby shark costume, little boss costume, bumble bbee costume at elephant costume.
Bumabaha nga naman sa ka-kyutan ang anak nina Slater at Kryz na si Scootie Knoa.