Sa pagdaan ng bagyong Ulysses sa ating bansa, ay marami sa ating mga kababayan ang talaga namang naapektuhan at nawalan ng tahanan at mga kasangkapan dahil sa bahang idinulot nito.
Kahit pa nga ba ang ating mga kilalang artista sa showbiz, ay nakaranas rin ng takot dala ng napakalakas na bagyong Ulysses, kung saan ang iba nga sa kanila ay talaga namang naranasan ang bagsik ng hangin at buhos ng ulan nito.
Isa ang aktres na si Nadia Montenergo, sa talaga namang naapektuhan ng bagyong Ulysses, ito ay matapos ibahagi ng aktres, na ang kanyang bahay, ay isa sa mga pinasok ng baha sa kanilang lugar.
Sa social media ng aktres na si Nadia Montegro, ay makikita ang naging pagbabahagi niya, ng pagpasok ng tubig baha sa kanilang tahanan na matatagpuan sa isang subdibisyon sa may Marcos Highway, nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2020, araw ng Huwebes, kung saan ay kasagsagan ng buhos ng ulan na dulot ng bagyong Ulysses.
Mababasa naman sa comment section ng aktres, na kahit pa nga ba pinasok ng baha ang kanilang tahanan, ay nagpapasalamat pa rin siya dahil sa ligtas silang buong pamilya.
“ubos eh. Everything inside. Gone! Pero safe lahat!”, ang naging saad nga ng aktres.
Makikita rin, na ilang mga kaibigan ng aktres sa industriya ng showbiz, ang nagpa-abot ng panalangin at pag-aala para kay Nadia at sa pamilya nito, at sila nga ay sina, Denise Laurel, Ted Corpuz at Ariella Arida.
Biyernes ng umaga, ay muli namang nagbahagi si Nadia na sa kabila ng pagkakahiwalay nila ng kanyang mga anak noong kasagsagan ng bagyo, ay ligtas naman umano silang lahat.
Samantala, naging emosyonal naman ang aktres ng maalala ang karansan sa bagyong Ulysses, at dahil na rin sa nakita niya na marami sa kanyang mga kaibigan ang nagmamahal at handang tumulong sa kanila ng kanyang pamilya.
Narito nga ang naging kabuuang ng emosyonal na post ni Nadia Monetenegro, matapos ang naging pananalasa ng bagyong Ulysses;
“Good morning, It’s the morning after. Watching the news. We are all safe, me and the kids, although watak-watak kami. Wala lang akong makausap. I’m used to being the one on the other side helping. Kaya hopeless ako ngayon kasi hindi ako makatulong. Pero I’m so grateful to be on the other side with all the help that we are receiving, all the love that we are receiving from each and every one of yo.”
“Ang bilis bilis po ng pangyayari kahapon. Bumigay po ang wall ng creeks sa tabi ng bahay naming while we are trying to save the cars nalingat lang po kami, the water from the back of the house doon po dumaan and then umabot na kaagad ng hita, tapos umabot na agad ng bewang. In short, wala kaming na-save, wala kaming nakuha but those are material things. Ngayon naiintindihan ko na, kasi nangyari sa akin ito.”
“I pray for every one affected by the typhoon. If there’s one thing I want to share is eh ‘yun ngang sinabi ko sa post ko natangay naman ni Ulysses lahat, nakuha man niya lahatpero grateful lang ako na lalong tumibay ‘yung faith ko.”
“Many lives are lost and I ask you to please continue to pray for them. Matibay ang Filipino, pero mas matibay tayo kung mayroon tayong Diyos sa buhay natin. And I know, that this is just a test, a trial, a sad one. It’s a dark for me but my faith is just so much stronger and I feel so much loved. Thank you, I’ll be fine, we’ll be okay. Ulysses doesn’t damage me, he affected my but he didn’t damage me.”
Sa panahon ngayon, na ang ating bansa, ay dumaranas ng samo’t saring kalamidad, maliban sa pagtutulungan sa isa’t isa, ay ang panalangin at pagbabalik pananampalataya sa Diyos ang isa sa pinaka dapat natin gawin.