Aktres na si Jodi Sta. Maria, Ipinakilala sa Kanyang Vlog ang kanyang mga “New Babies” at Ipinakita din kung Paano niya ito I-Train.

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres sa pinilakang tabing, lingid sa kaalaman ng marami, ay malaki rin ang pagkahilig ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa pag-aalaga ng mga hayop. Sa katunayan nga nito, ay marami siyang alagang aso at pusa sa kanyang tahanan.

Ngunit, maliban naman sa aso at pusa, ay may alaga ring ibon ang aktres na siya mismo ang nagpapakain at kanya rin itong sinasanay.




Kamakailan nga ay ibinahagi ni Jodi sa kanyang latest vlog, kung paano niyang inaalagaan at sinasanay ang kanyang Sun Conure birds na kilala bilang masigla at expressive na ibon na kilala rin sa South America. Ang mga ibon na ito ay itinuturing ni Jodi na dagdag sa miyembro ng kanilang pamilya.

“As you all know, marami akong cats. Meron din kaming dogs dito sa bahay. Pero, of course, meron kaming newest addition sa aming family.”

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Instagram

Katulong naman ng aktres sa pag-aalaga at pag-eensayo sa mga ibon ang anak niyang si Thirdy. Si Thirdy rin ang nakaisip ng ipapangalan sa mga Sun Conure birds. Ang pangalan nga ng unang ibon ay hango sa isa sa mga miyembro ng sikat na bandang Beatles, ito ay si Georgie. At ang pangalawang ibon naman ay pinangalanang Lemon.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Instagram

Pagbabahagi naman ng aktres, nang mapunta sa kanila ang unang ibon na si Georgie, ay hindi pa ito lumilipad kung saan ay sa sahig lang namamalagi sa tuwing papakainin. Samantalang si Lemon naman ay baby pa nang mapunta sa kanila.

“Ang unang-unang bird namin si Georgie. And nu’ng time na ‘yun, si Georgie, hindi pa lumilipad. Para siyang si Lemon na kapag tini-train namin siya nasa floor tapos tatawagin lang namin siya for feeding. Nu’ng umpisa, si Lemon, nu’ng baby pa siya, mas maliit pa siya, hindi talaga siya — even ‘yung mag-flap ng wings. Ibubuka lang niya tapos aandar siya.”

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Instagram

Ngunit, hindi naman nagtagal dahil nga sa matyaga niya itong pinapakain at tini-train ay natuto na raw itong akayin ang sarili hanggang sa matuto na itong lumipad at lumalapit na rin kapag tinatawag.

“Pero now, nakikita mo unti-unti nakaka-step up na siya, lumalakas na ‘yung legs niya … the next time na kakain siya, he knows na needs to step up para mabigyan siya ng food. Little by little, step up, mag-poproject tapos magfa-fly ‘yan unti-unti. So ang nangyayari, operant conditioning. ‘Pag lumapit sila sa ’yo, you give them something.”

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Instagram




Samantala, ibinahagi naman ni Jodi sa video ang paraan ng training na kanyang ginagawa upang mahasa ang mga alagang ibon. Kabilang na nga rito ang Blind Recall Training kung saan ay naglalayon na “teach the bird to find their owner” at Descending Recall Training naman kung saan tinuturuan ang mga ibin na “come down without hesitation.”

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Instagram

Ipinaliwag naman ni Jodi ang tinatawag na Selective Training. Ito nga ay paraan na ginawa kapag busog na ang mga ibon, kung saan ay hindi na kinakailangan ng syringe ngunit makakaya pa rin nilang lumipad sa tulong naman ng isang pito o kaya naman ay sa tawag ng pangalan nila.

Photo credits: Jodi Sta. Maria | Instagram

Nagbigay rin ng payo si Jodi sa mga tulad niyang malaki ang pagmamahal sa mga ibon. Ayon nga sa aktres, kung mag-aalaga ng ibon ay mahalaga na magkaroon ng mahabang pasensya at maging matyaga sa pag-aalaga. Malaki rin ang naitutulong ng pagkakaroon ng commitment sa pag-alaaga ng ibon upang tumagal ang buhay nila.

“Kailangan talagang matiyaga kayo tsaka mapasensya kayo kasi it’s like they’re learning everything for the first time. And it’s really a commitment kasi these birds can live up to 15 years given na hindi sila magkakasakit or hindi sila mawawala.”

Ayon pa sa aktres, ay maganda rin ang pag-aalaga ng ibon lalo na kung madalas makabonding ang mga ito, dahil iba umano ang ugali nito sa mga pusa at aso.

“It’s nice kasi iba din ‘yung bond na meron kapag ka mga birds ang kasama kasi ibang-iba rin ‘yung kanilang ugali sa mga cats and sa mga dogs.

MEET OUR NEW BABIES! | Jodi Sta Maria