Aktres at Modelong si Regine Angeles, Isinilang na ang Baby Number 2 nila ng Kanyang Asawang si Van Victor Leaño

Labis-labis ang pasasalamat ng aktres at modelong si Regine Angeles sa kanyang Instagram post, nito lamang ika-1 ng Nobyembre, araw ng Linggo. Ito nga ay dahil matagumpay niyang iniluwal ang kanilang pangalawang anak ng kanyang asawang si Van Victor Leaño, isang modelo.




At base sa post ni Regine, ay noong ika-31 ng Oktubre, araw ng Sabado, ganap na alas-10 ng gabi niya isinilang ang kanilang napakacute na baby girl na pinangalanan nilang Kaia Rosalie. Si Baby Rosalie, ay maayos na isinilang ni Regine sa pamamagitan ng normal delivery sa St. Lukes Medical Center.

Photo credits: Regine Angeles | Instagram

Pinasalamatan rin ni Regine sa kanyang post ang mga taong tumulong sa kanyang mailuwal ng ligtas si Baby Kaia Rosalie. Hindi naman nakaligtaang magpasalamat ng aktres sa Diyos sa walang katumbas na halagang ipinagkaloob sa kanila.

Ang naturang post ni Regine, ay nilakipan niya ng larawan nilang mag-asawa, kasama ang bagong silang na si Baby Kaia Rosalie.

“Hello world! Gave birth via normal delivery last night (Oct 31) to our baby girl Kaia Rosalie at 10pm. Thank you so much @thejavismd for helping me get through this kahit na ang laki laki ni baby ?? Thank you Lord for this wonderful blessing! ??”

Samantala, bago pa man sumapit ang araw ng pagsilang ni Regine sa kanilang baby #2, ay nagbigay ng isang appreciation post ang kanyang mister na si Van Victor. Ito nga ay para sakripisyong ginawa ni Regine habang nagbubuntis ngayong panahon ng pandemya. At ito na rin ang paraan ni Van Victor, na batiin ang kanyang mahal na asawa sa kaarawan nito.




“Maligayang Kaarawan sa aking Marikit.? Saludo ako sayo kasi kitang kita ko hirap mo sa pag bubuntis mo nitong pandemya. Mas topakin pa ata ako kesa sayo ngayon e. Dahil jan, ang regalo ko sayo ay baby number 3. ?? Mahal na mahal kita. ?❤❤ #marikit #familialeaño”

Ikinasal noong Enero 2016 sina Regine at asawa nitong si Van Victor. Matatandaan naman na noong Abril, inanunsyo ni Regine ang kanyang pagbubuntis sa kanilang second baby. At noong nakaraang Agosto naman ay nagsagawa ang mag-asawa ng DIY gender reveal party na ginanap sa loob ng kanilang tahanan.

Maliban naman kay Baby Kaia Rosalie, ay may isa pang anak sina Regine at Van, ito ang kanilang panganay na anak na si Viktor Alesso, na nagdiwang ng kanyang ikatlong kaarawan noong nakaraang Oktubre 3.

Photo credits: Regine Angeles | Instagram

Photo credits: Regine Angeles | Instagram

Si Regine Angeles ay unang nakilala bilang isang modelo na kung saan ay pinasok ang showbiz matapos magwagi bilang Be Bench / The Model Search of ABS-CBN. Matapos nito ay naging bahagi na siya ng ABS-CBN Star Magic talents.