Batid natin na sa naging pagdaan ng bagyong Ulysses, ay marami sa ating mga kababayan, ang talaga namang lubos na napinsala nito. Maraming tahanan ang winasak at nilubog nito sa baha, kaya naman talagang marami sa ating mga kababayan ngayon ang hindi alam kung paano muling masisimula.
Samantala, mayroon ring mga artista, ang labis na naapektuhan ng naging pagbaha sa kanilang lugar noong kasagsagan ng bagyong Ulysses, at isa na nga sa mga ito ay ang bahay ni Nadia Montenegro. Kung saan ay matapos ang bagyo, ay agad na ibinahagi ng aktres, na isa ang kanyang mga bahay sa pinasok ng baha, at halos lahat ng kanilang mga kagamitan ay nabasa at hindi na naisalba.
Maliban kay Nadia Montenegro, ay mayroon pang ilang mga artista na labis ring napinsala ang mga tahanan dahil sa bagyo, at kabilang na rito ang aktor na si Gardo Versoza at atres na si Yassi Pressman.
Ilang araw pa ang pinalipas nina gardo Versoza at Yassi Pressman, bago nila ibinahagi sa kani-kanilang social media accounts na sila ay biktima rin ng bagyong Ulysses.
Ibinahagi ni Gardo Versoza sa kanyang social media, ang kinahinatnan ng kanyang bahay, matapos ang bagyong Ulysses. Mula sa isang magandang bahay, na parati nating napapanood sa Tiktok videos ng aktor, ngayon ay makkita nag matinding pinsala rito na dulot ng bagyo. Makikita na sira-sira na ang pundasyon nito, maging ang hagdanan at bubong nito ay nawasak rin nng bagyo.
Ayon sa aktor, ay inabot ng baha ang kanilang bahay hanggang sa ika-2 palapag nito.
Photo credits: Gardo Verzosa | Instagram
Photo credits: Gardo Verzosa | Instagram
Marami namang mga netizens, ang nagpa-abot ng suporta para sa aktor, kung saan ay ilan sa mga ito ang nagsabing “think positive” lamang ay paniguradong makakabangon ring muli ang aktor, at maipupundar rin ang mga bagay na nawasak ng bagyo.
Sa kabilang banda naman, ay nagbahagi rin ang aktres na si Yassi Pressman na ang kanyang bahay sa Rizal, ay pinasok rin ng baha, hindi naman binanggit pa ng aktres kung saang subdibisyon ito. Ang masaklap pa umano, ay noong kasagsagan ng bagyo ay wala ang aktres sa kanilang bahay, dahil siya ay nasa lock-in taping ng “FPJ’s ang Probinsiyano.”
Ibinahagi ni Yassi sa kanyang social media account, ang larawan nng isang lalaki na nakasakay sa rubber boat, na kinunan sa taas ang nasabing larawan, upang maipakita ang kabuuang sakop ng baha. Kalakip nito ay ang caption ng aktres na;
“This is what my Home in Rizal, looked like a few days ago. Here in Batangas, we are continuesly praying for everyone who still recovering for Typhoon Ulysses.”
“Thank you to my staff for doing all they can to save what we could. Thank you Yaya Lai, Ate Joy, Kuya Joel, at Jerome at mga boys at mga kapitbahay na nagtulong-tulong . Sobrang Salamat.”
“Sana po magpakatatag po tayo at patuloy na magdasal para sa mga kababayan po natin.”
“Tulungan po natin sila sa kahit anong paraan na makakayanan natin. Mag-ingat po sana ang lahat. Malaking yakap.”
Marami naman sa mga kapwa artista at tagahanga ni Yassi, ang agad na nagpa-abot ng kanilang suporta para sa aktres, at isa na nga rito ay ang kaibigan niya sa industriya ng showbiz, na si Maja Salvador, na makikitang nagsend ng isang praying emoji.
Iba naman sa mga follower’s ng aktres ang nagsabi ng “stay safe”, “praying for you”, at “mabuti ligtas sila.”
Makikita rin ang naging pagpost ng forever supporter nina Yassi at Coco na si @cymp_forever ay nagpost naman ng , “Ingat din kayo ni direk Yass (emoji heart).”