Katulong ni Teen King Daniel Padilla, ang kanyang mga kapatid sa ginawang pagre-repacked ng mga relief goods, na kanilang ipamamahagi para sa mga kababayan natin na labis na nasalanta ng bagyo.
Kamakailan nga lamang ay nanalasa ang bagyong Ulysses sa ating bansa, kung saan ay marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan dahil sa sila’y binaha, nawalan ng tirahan at ang iba pa nga ay nawalan ng kabuhayan.
At dahil dito, ay muling pinatunayan ni Teen King Daniel Padilla, na sa pagtutulungan magsisimula ang pagbangon ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo.
Photo credits: Karla Estrada | Instagram
Ilang mga larawan nga ng Kapamilya star na si Daniel Padilla ang makikita sa social media, na kung saan ay abala ito sa pagre-repacked ng mga relief packs, habang katulong rin ang kanyang mga kapatid at iba pang kapamilya.
Proud Momshie naman si Karla Estrada sa kanyang anak na si Daniel, dahil sa ipinaabot nitong tulong sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong dahil sila’y labis na nasalanta noong kasagsagan ng bagyong dumaan sa ating bansa.
Photo credits: @jochendria | Twitter
Nagpasalamat rin si Monshie Karla, sa kanyang pamilya at maging sa mga tagahanga ng kanyang anak na si Daniel, na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang “relief drive” na ito.
“First batch is off to our Kapamilya na sabik na kaming marating. Salamat sa buong pamilya ko na naki impake at sa mga tagahanga na pamilya na rin naming! Solid to! LET’S GO!!!! Tulong tulong para sa pagsulong”, saad nga ng TV host-actress sa kanyang Instagram post.
Samantala, ika-14 ng Nobyembre ng magsimulang mangalap ng donasyon ang mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na para sa mga nasalanta nga ng bagyong Ulysses.
Matatandaan na hind inga lamang ito ang unang pagkakataon na tumulong at naging aktibo si Daniel Padilla sa mga nasalanta ng bagyo. Dahil noong taong 2013, kung saan ay humagupit ng husto ang bagyong Yolanda sa Tacloban, ay nanguna rin ang aktor sa isang relief operation.
Photo credits: Karla Estrada | Instagram
Marami naman ang muling napahanga ni Daniel Padilla sa muli niyang naging aksyon at pagtulong sa mga kababayan natin na humaharap ngayon sa pagsubok ng buhay, dahil sa kawalan ng tirahan at hanap-buhay.