Bahagi na ng buhay ng isang taong manggagawa ang pagreretiro, at ito ay nangyayari kapag sila ay dumating na sa edad na sila’y dapat ng namamahinga sa trababaho at nananatili na lamang sa kanilang tahanan, upang sa kabila ng kanilang katandaan ay maalagaan nila ang kanilang kalusugan.
Ang pagreretiro ay nangangahulugan na ito ay ang magiging pamamahinga na ng isang mang-gagawa sa kanyang pagtatrabaho, lalo na kung siya ay nasa “retirement age” na o edad na na kinakailangan na talagang magpahinga sa trabaho dala ng kantandaan.
Sa Pilipinas, ay mayroong nakatalagang “retirement age” ang bawat mang-gagawa at ito ay kapag sila ay nasa edad 60 na pataas, at kapag ito na ang kanilang edad ay talaga namang mahirap na para sa kanila ang makapaghanap ng trabaho kaya naman karamihan sa mga nagretiro ay namamalagi na lamang sa kanilang mga tahanan.
Ngunit sa ibang bansa, tulad ng bansang Thailand, sa kabila ng pagreretiro ng mga manggagawa sa kanila na may mga edad na, ay hinahayaan pa rin nila ang mga ito na makapasok ng trabahao, ito ay upang iparamdam sa kanila sa sila pa rin ay mahalaga, at parte pa rin sila ng lipunan na kanilang gingalawan.
Kamakailan nga lamang, ay umagaw ng pansin sa socmed ang isang Facebook post kung saan ay isang netizens mula sa bansang Thailand na nagngangalang Palakorn Tesnam ang nagbahagi ng isang kwento ng buhay ng isang 81-taong gulang na lalaki na nagtatarabaho bilang isang sales assistant sa isang shopping mall na kanyang nakilala at naka-kwentuhan.
Ayon nga sa Fb post ni Palakorn, habang siya ay tumitingin ng mga bagay na kayang bibilhin, ay lumapit sa kanya ang 81-taong gulang na sales assistant, at dito na nga nagsimula na ito’y kanyang makakwentuhan, at ibinahagi nito ang buhay nito noon.
Sa kanilang paku-kwentuhan nga dito na naitanong ni Palarkon sa naturang matanda na nakilala bilang si Uncle Pracha, kung bakit sa kabila ng katandaan na nito, ay pinipili pa rin nitong magtrabaho.
“Because I’m still hungry, so I can’t stop working. Every second is money. It’s really good that the manager lets me work here,” ang naging saad ng matanda.
Base nga sa kasagutan ni Uncle Pracha, nanatili siyang nagtatrabaho kahit siya’y matanda na ito ay dahil sa kinakailangan niya ng makakain araw-araw, at sa buhay ay talaga namang ang pera ay mahalaga sa bawat galaw ng isang tao.
Ipinagpasalamat rin umano ni Uncle Pracha, na kabila ng kayang edad ay pinayagan pa rin siya ng manager ng naturang shopping mall na siya’y magtrabaho doon.
Sa naging pagpapatuloy ng kwentuhan ng dalawa, ay dito na rin nalaman ni Palarkon na noon pala ay naging CEO si Uncle Pracha ng kanyang sariling negosyo, kung saan ay mayroon itong 200 bilang ng mga tauhan noon, ngunit ngayon ay wala na nga ang negosyong ito ng matanda dahil sa ito’y nagsara na.
Dito na rin naibahagi ni Uncle Pracha, na sa kanyang buhay ay wala siyang naging tunay na kaibigan, ito ay kanyang napatunayan ng panahon na dumating siya sa punto ng buhay niya na siya na ang nangangailangan at wala man lang sa kanyang mga kakilala o kaibigan ang tumulong sa kanya, kaya naman kinailangan niyang bumangon at magtrabaho para buhayin ang kanyang sarili kahit siya’y matanda na.
“I didn’t have any true friends.”
“No one gave me a hand when I was in trouble, so I had to do everything in myself.”
Dagdag pa nga ni Uncle Pracha, ngayon na siya’y nagtatrabaho bilang sales assistant ng shopping mall, ay talaga namang pinagbubutihan niya, at isa ang kanyang trabaho sa nagbibigay kasiyahan sa kanyang buhay.
Ayon pa kay Palarkon, bago natapos ang kanilang usapan ni Ucle Pacha, ay nagibgay payo pa ito sa kanya sa kung ano ang mga bagay na dapat iwasan ng isang tao sa buhay at bagay na kinakailangan bigyan ng halaga.
Narito nga ang naging payo ni Uncle Pracha kay palarkon;
“Don’t drink too much, don’t smoke, and don’t drink those soft drinks too much.”
“But most importantly – don’t be too serious. It’s not good for your health.”