Napakahirap naman talaga ang kumita pera ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang matugunan ang pangangailangan ng ating pamilya.
Katulad na lamang ng 71 anyos na si Lolo Angelito Gino o mas kilala sa tawag na Lolo Pops, na taga-Marilao, Bulacan na nagtitinda ng mga candy lollipops sa malapit na eskwelahan kabila ng kanyang edad. At ginagawa ito ni Lolo Pops sa loob ng sampung taon.
Sa halip nga na nagpapahinga si Lolo Pops sa loob ng kanilang tahanan ay hindi nito alintana ang pagod at init ng araw upang makapagtinda para magkapera. Natutulog pa nga raw noon si Lolo Pops sa lansangan upang matiyak na mauubos ang kanyang paninda bago tuluyang umuwi ng bahay. At sa pagdating nga ng pandemya, kung saan ay wala ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan, ay natigil rin ang pagtitinda ni Lolo Pops kung kaya’t wala na siyang mapagkakakitaan.
Photo credits: Facebook
Mabuti na lamang nga at may mabubuting kalooban ang nagpaabot ng tulong kay Lolo Pops noong nakaraang July. Sila ay grupo ng mga Pinoy kung saan ay nagbigay ng pinansyal na tulong kay Lolo Pops at sa kanyang pamilya. At dahil sa donasyon na nalikom, ay nakapag-ipon si Lolo Pops ng sapat na halaga upang magsimulang muli sa negosyo. Samantala, kasalukuyan nang nangungupahan sa Pampanga ang pamilya ni Lolo Pops.
Dahil sa pandemya, kung saan ay hindi makalabas ng bahay ang mga senior citizens tulad ni Lolo Pops, ay ginawan na lamang siya ng online shop upang maituloy pa rin ang pagnenegosyo. Natuloy nga ang pagtitinda ni Lolo Pops ng kanyang pastillas at polvoron, ngunit tanging mga taga-Pampanga lamang ang kanyang napagbebentahan.
Photo credits: Facebook
Ito nga ang napansin ng netizen na nagngangalang Yannie Yhan, kaya naman, upang mapalawak pa ang negosyo ni Lolo Pops at makabili ang mga customer kahit saang dako pa ng bansa ay ginawan ni Yannie ng online shop account si Lolo Pops sa Shopee.
“Naisipan kong gawan siya ng online store. Yes! Lolo Pops is now an official online seller! Sila po mismo ng anak niya ang magpapack, pi-pick-up-in lang ng rider at direct sa bank account ni Lolo ang bayad n’yo. Hindi na niya kailangan lumabas para magbenta. Bili na po kayo! Delivery NATIONWIDE!”
Photo credits: Shopee
Dahil dito, ay dinagsa na ng mga mamimili ang masarap na pastillas at polvoron ni Lolo Pops. Hindi na nga magkamayaw si Lolo Pops sa dami ng nais bumili. Sa loob lamang nga ng dalawang araw ay umabot na ng mahigit 600 piraso ang order na pastillas at polvoron.
Pinasalamatan naman ni Yannie ang mga taong naka-appreciate ng kanyang pagtulong kay Lolo Pops, na kung saan ay hindi siya naglabas ng pera ngunit nagawa niyang matulungan at kumita ng pera si Lolo Pops.
“Salamat po sa lahat ng nag message. ‘Di ko po ine-expect na madaming naka-appreciate. Patunay lang po na hindi kailangan ng madaming pera para makatulong.”
Sa mga nais bumili sa online shop ni Lolo Pops, bisitahin lamang ang link na ito:
https://shopee.ph/lolopopsph