Marami na tayong narinig na nakakamanghang kwento ng pag-iibigan, ang iba dito ay nagpatunay, na ang sa tunay na pag-ibig kalian man ay hindi mahalaga ang estado ng buhay ng dalawang taong nagmamahalan, o di kaya naman ay ang agwat ng mga ito sa isa’t isa.
Ngayon nga ay tampok muli ang isang nakakamanghang kwento ng pag-iibigan, na kung saan pinatunayan ng isang dalaga, na hindi mahalaga sa kanya, ang hitsura o edad ng taong kanyang mamahalin at pakakasalan.
Isang 23-taong gulang na babae mula sa isang bayan sa Maguindanao, ang matapos magkaroon ng bigong pagsasama sa kanyang unang asawa, ay muling nagmahal at nagpakasal sa isang matandang Baranggay Captain, na nagngangalang Max Gandalibo, na ang edad ay 64-taong gulang na.
Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho
Sa kabila nga ng naranasang kabiguan sa unang pag-ibig at unang pagpapakasal, ay muling umibig ang 23-taong gulang na babae, na kinilalang si Venus Usman, at ito nga ay matapos niyang makilala ang 64-taong gulang na, na si Max Gandalibo.
Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho
Samantala, ang 64-taong gulang na si Max Gandalibo, ay kasal sa unang asawa nito, ngunit ito ngayon ay dumaranas ng “stroke” at “paralization”.
Nakasaad naman sa tradisyon ng Islam, na maaari lamang magpakasal muli ang 64-taong gulang na si Max Gandalibo sa ibang babae, kung ito ay bibigyang pahintulot ng kanyang unang asawa. At sa naging pagpapakilala nga nito, kay Venus sa kanyang asawa, ay pumayag ito na muli siyang mag-asawa.
Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho
Ayon pa kay Gandalibo, marami na umano siyang mga babae na iniharap at pinakilala sa kanyang asawa, ngunit ang 23-taong gulang na si Venus lang umano ang nagustuhan nito.
Inamin naman ni Venus Usaman, na bago pa man ang pagpapakasal niya kay Gandalibo, ay mayroon itong kasintahan, ngunit ito ay kanyang hiniwalayan, dahil mas pinili niyang makipagrelasyon, at magpakasal kay Gandalibo, kahit pa nga ba nasa 42-taon ang agwat ng edad nila sa isa’t isa.
Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho
Ikinasal naman sina Venus Usman at Max Gandalibo, noong ika-14 ng Pebrero, kung saan ay marami sa atin ang nagdiriwang ng “Valentine’s Day”, hindi man ito ipinagdiriwang ng mga Islam, ay napili nila ang araw na ito.
Isa nga sa mga naging principal sponsor sa kasalang ito nina Usman at Gandalibo, ay si second district Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, kung saan ay ito rin ang nagbahagi ng ilang mga larawan, na kuha mula sa kasal, o kung tawagin sa kanila ay “Kalilang”.
Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho
Kalakip nga ng larawan na ibinahagi ni Rep. Esmael Mangudadato, ay ang caption nito na;
“Isa na namang patunay na bulag ang pag-ibig at walang pinipiling edad kapag ito’y kumatok sa puso ninoman.”
“Sa araw mismo ng mga Puso, ay pinatunayan ng 23-taong gulang na babae na si Venus Usaman, na umibig sa 64-taong gulang na lalakina si Max Gandalibo.”
Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho
Matatandaan naman na noong ika-23 ng Nobyembre 2013, si Rep. Mangudadatu, ay isa rin sa mga naging principal sponsor noon sa kasal ni Freddie Aguilar, sa 16-taong gulang nitong asawa na si Jovie Gatdula Albao.