Vlogger na Amerikano, Binalik Ang Kabutihan sa Pamilyang Kumupkop sa Kanya, Bahay ng mga Ito Kanyang Ipinagawa!

Batid natin may mga taong sadya nga namang likas ang pagiging matulungin pag dating sa kanilang kapwa, ito man ay kakilala nila o estranghero pa lamang para sa kanila.




Katulad na lamang nga ng mag-asawang Raymund at Reche Adopante, na talaga namang kahanga-hanga dahil sa lubos na pagiging matulungin sa kanilang kapwa, at ito nga ay napatunayan ng kanilang tulungan at kupkupin ang isang estranghero na na-stranded sa kanilang lugar.

Sa pagkakaroon ng community quarantine ay maraming mga tao ang nastranded sa iba’t ibang mga lugar,at isa na nga rito ay ang American vlogger na si Dustin.

Taong 2016 ng unang makarating sa Cebu si Dustin, at dahil siya’y nabighani sa ganda ng naturang lugar ay muli niya itong binalikan, ngunit sa kanyang pagbabalik ay hindi niya inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya at mag deklara ang gobyerno ng Pilipinas ng lockdown.

Dahil nga sa hindi naman taga-Cebu, ay kinailangan ni Dustin ng matutuluyan lalo na sa pagkakaroon ng lockdown.





Dito na nga tumulong sa kanya ang mag-asawang Raymund at Reche, kung saan siya ay pansamantalang kinupkop ng mag-asawa at pinatuloy sa tahanan ng mga ito.

Ayon naman sa mag-asawa, hindi naging mahirap para sa kanila ang patuluyin si Dustin sa kanilang tahanan, at hindi rin umano sila humihingi ng anumang kapalit mula sa Amerikano. Ngunit sa hindi nga nila inaasahan, ang kabutihang loob pala nila dito na simpleng pagpapatuloy lamang sa kanilang tahanan, ay mayroon pa lang magiging kapalit na magandang biyaya.

Dahil sa kabutihang ipinakita ng mag-asawa sa American vlogger na si Dustin sa pagkupkup ng mga ito sa kanya, ay rin siya nagdalawang isip na magbalik ng tulong sa mga ito.

Ipinaayos ni Dustin ang tahanan ng mag-asawa, at nagpatayo rin ito ng isang public CR para sa komunidad kung saan nakatayo ang bahay nina Raymund at Reche. Ayon nga kay Dustin, nais niyang magkaroon ng maayos na palikuran ang mga tao doon, lalo naa ang mga walang kakayanan na magkaroon nito.

Hindi nga lamang ang pamilya nina Raymund ang nabiyayaan ng tulong ni Dustin, dahil maging ang ilang mga kababayan nila ay nabahaginan rin nito ng tulong noong panahong kasagsagan ng pandemya, dahil sa naging pamamahagi si Dustin ng pera at ayuda sa mga mamamayan, kung saan ito ay mula sa perang kinikita niya sa kanyang pagiging isang vlogger.




Patunay nga lamang ito, na kapag ikaw ay gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa ng hindi humingi ng anumang kapalit ay kusang magbabalik sayo ang biyaya at kabutihan na iyong ginawa.