Vina Morales, Proud na Ibinahagi ang Bagong Negosyo, Nagbebenta na rin ng Suka, Bagoong at Peanut Butter

Malaki naman talaga ang naitutulong ng pagiging madiskarte sa buhay lalo na sa panahon ng pademya. Kaya naman, karamihan sa atin ay gumagawa ng paraan upang may mapagkakitaan. Ilan nga sa mga sikat na artista sa showbiz ay pinasok na rin ang pagnenegosyo.




At ngayon nga, ay kabilang narin sa listahan ng mga madiskarte ang aktres at singer na si Vina Morales na may bagong negosyo. Matatandaan na noong 2018, ay nakapanayam si Vina at masaya nitong ibinahagi ang matagumpay nitong salon business kasama ang kanyang mga kapatid na sina Shaina, Sheryl, at Sheila.

At kamakailan nga, ay masayang ibinahagi ni Vina sa Instagram ang kanyang pinasok na bagong negosyo. Ngayon nga ay pinasok na rin ng singer-actress ang food business kung saan ay nagbebenta siya ng suka, dried fish, bagoong, at peanut butter. Ang bagong negosyo nga ni Vina ay pinangalanan naman niyang Inday Beena’s Best.




Ayon naman sa aktres, bata pa lamang siya ay malaki na ang pagkahilig niya sa pagnenegosyo. Mapa-anumang negosyo, ay talagang papasukin niya, maliit man ito malaki dahil makakatulong ito sa kabuhayan.

“Bata pa lang po ako mahilig na po talaga ako mag-negosyo, maliit man o malaki na negosyo.”

Sa isang post naman, ipinakita ni Vina ang paggawa niya ng suka na tinawag niyang Sukang Binisaya. Ayon sa post ni Vina, ay hindi na umano niya pwedeng gamitin ang Pinakurat dahil pinayuhan siya ni Atty. Lucille, na palitan ito at gawin nalang na Sukang Binisaya.

“I love to do business po small or medium po ?? masipag po ako ? pasensya na hindi na pwede ilagay ang “Pinakurat”, word sa business … Lets change po sabi ni atty lucille , “Sukang Binisaya” na lang ? let’s use that po Sa lahat na hindi pwede mag mention ng Pinakurat sa business nila po … ayaw ko ng issue ? maliit na bagay lang po ang Pinakurat ? Basta INDAY BEENA’S BEST po tayo ❤️?? Salamat po ?”

Makikita naman na napakahands on ni Vina sa kanyang negosyo, at siya mismo ang naghahanda ng mga ito. Hindi maikakaila na malaki talaga ang pagmamahal niya sa negosyo, at nais niyang nasa ayos ang lahat.

Humanga naman ang mga netizens sa kanyang pagiging masipag, madiskarte at husay sa pamamahala sa negosyo. Nabigay nga ng iba’t ibang klaseng reaksyon ang mga ito sa kanyang post.

“Maka-proud kaayo ka kay bisan unsa na lang jud imo i-business Inday Beena (Nakaka-proud ka talaga dahil kahit ano na lang talaga ang nagiging business mo Inday Beena).”
“Mao ni ako ganahan nimo @vina_morales. Best example sa gwapa nga kugihan (Ito yung gusto ko sa’yo @vina_morales. Best example sa maganda na, masipag pa.”