Tingnan Anak ni Kris Aquino na si Bimbi, Napakatangkad Na! Sa Edad Lamang na 13, Six-Footer Na!

Maraming mga kapwa artista at kaibigan ni Kris Aquino, ang namangha, sa panibagong update sa kanyang buhay na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Araw ng Biyernes, ika-2 ng Oktubre 2020, ay muling nagbahagi si Multi-Media Queen of Talk, Kris Aquino ng bagong update sa kanyang Instagram account, kung saan ay isang larawan ang kanyang ibinahagi, at dito ay makikita kung gaano na katangkad ngayon ang kanyang bunsong anak na si Bimby.




Sa nasabing larawan nga na-latest post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram, ay makikitang kasama niya ang kanyang anak na si James Carlos Aquino Yap Jr., o mas kilala ng publiko sa palayaw nitong si Bimby.

Mapapansin nga sa larawan, na tila lumiit si Kris Aquino, ngunit ang totoo ay talagang napag-iwanan na ito ng tangkad ng kanyang bunsong anak. Dahil sa edad ni Bimby na 13-taong gulang pa lamang, ay talagang napakatangakad na nito.

Kalakip nga ng larawan ay ang caption pa ni Kris na;
“hello? I’ve miss you… (I didn’t shrink – my bunso just keeps growing taller.)
Marami naman sa mga kaibigan ni Kris sa showbiz, ang talaga namang namangha ng makita ang larawan at mapansin ang tangkad ni Bimby, at ang iba sa kanila ay nagbigay pa nga ng kani-kanilang mga komento.

“Grabe!! Hay nanay and Bimb”, ang naging komento ni Miles Ocampo.

“Grabe Ate! Bimby’s super tall na,” saad naman ni Erich Gonzales.

“Grabe Bimby!!!! U can carry me na”, mula naman kay Alex Gonzaga.

“Miss u Bimbs. Ang tangkad Ms. Kris”, komento naman ni Melai contiveros.

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbahagi si Kris ng update tungkol sa pagiging isang matangkad na bata ng kanyang bunsong anak na si Bimby.




Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ng Setyembre, ay ibinahagi rin ni Kris, ang naging pagkumpara niya sa tangkad ni Bimby at ng kanyang panganay na anak na si Josh.

Ayon nga sa naging update noon ni Kris, ang kanyang panganay na anak na si Josh ay namalagi sa Tarlac ng halos dalawang buwan, kaya naman ng umuwi ito ay pinakiusapan niya ang dalawa niyang anak, kung maaari niya bang makita kung gaano na kalapit ang tangkad ng nga ito sa isa’t isa.

“Kuya Josh spent more than a month in Tarlaac… I asked to see how close the 2 are in terms of their height… let’s check again in December if Bimb will be already as tall as his kuya”
“The 2 are dedicated milk drinkers, and my friends know my coffee is usually milk w/ a bit of coffee – so we’re a family of milk drinkers.. I like semi skimmed, vitamin enriched milk.”
“Kuya is 6’2, basing it from this picture it’s safe to say 13 year old Bimb isa now a 6 footer.”

Ayon nga kay Kris ay malaking factor ng pagiging isang matangkad na binata ni Bimby, ang DNA, ngunit ibinahagi rin niya na marahil ay nakatulong din sa pagiging matangkad ng kanyang mga anak, ang madalas na pag-inom ng mga ito ng gatas.

Makikita nga sa larawan nina Bimby at Kuya nitong si Josh, na halos kaunti na lang ang diperensya at magiging magkasingtangkad na sila.





Sa makatuwid, hindi naman magiging kataka-takaka kung talagang tumangkad pa ng husto ang 13-taong gulang na anak ni Kris na si Bimby, ito ay dahil nasa dugo nito ang pagiging isang matangkad na maari niyang namana sa kanyang basketbolistang ama.

Ipinanganak si Bimby taong 2007, at nasa pangangalaga siya ng kanyang inang si Kris.
Si Bimby ay anak ni Kris Aquino sa kanyang dating asawang si James Yap, na isang magaling na basketbolista. Matatandaan na sila’y ikinasal noong taong 2005, ngunit makalipas ang 7-taon ay na-annulled ang kanilang kasal taong 2012.

Samantala, abangan naman natin sa Disyembre ang magiging update ni Kris, kung malalampasan na nga ba ni Bimby ang kanyang kuya Josh sa tangkad.