‘Time to let go for a better one’: Sofia Andres, Ibinibenta na ang Kanyang Condo Unit sa Quezon City

Isang anunsiyo ang ginawa ng aktres na si Sofia Andres kamakailan, ika-8 ng Oktubre araw ng Huwebes sa kanyang Instagram account. Ito nga ay matapos magbahagi ang aktres ng mga larawan na kuha sa bawat bahagi ng kanyang condo unit kung saan makikita ang interior design nito.




“It’s time to let go of my condo unit for a better one,”

caption ni Sofia sa kanyang post.

Ang nasabing condo unit ay ibinibenta na nga ng aktres. Ngunit, bago pa man tuluyang ibenta ay ipinasilip muna ito ng aktres sa kanyang mga tagahanga. Ayon nga kay Sofia, ay panahon na upang ibenta ang naturang condo unit upang makalipat sa isang “better one” para sa pagsisimula ng panibagong yugto ng buhay niya bilang isang celebrity mom.

Ang condo unit na ito ni Sofia ay may sukat na 24 sqm na isang studio-type unit na matatagpuan sa One Eastwood Avenue Tower 1 sa Quezon City. At ngayon nga, ay nagpost ang aktres ng mga larawan ng condo sa Instagram upang makahanap ng taong bibili.




Samantala, hindi lamang si Sofia ang naghahanap ng taong bibili sa kanyang condo dahil pati na rin ang kanyang Ate Lara, na isang licensed real state saleperson, ay tinutulungan siyang ibenta ang condo. Sa Instagram ng kanyang Ate Lara, bukod sa detalye at sukat ng kanyang condo, ay ibinahagi rin nito ang mas marami pang larawan ng condo unit ni Sofia.

Matatandaan na naging laman ng balita ang 22 taong gulang na aktres na si Sofia nitong taong kasalukuyan, matapos mabunyag ang pagkakaroon niya ng anak sa boyfriend nitong car racer na si Daniel Miranda. At ang pagkakaroon nila ng anak ng kanyang nobyo, ay inanunsiyo ng aktres sa mismong araw ng Father’s day. Isang napakacute na baby girl ang kanilang anak na pinangalanan nilang Zoe.

Samantala, huli naman nating napanood ang talentong taglay ni Sofia sa pag-arte noong 2018 sa teleseryeng “Bagani”. At ilang buwan nga matapos ipanganak ang kanyang napakacute na si Baby Zoe, ay malapit na nating masilayang muli ang napakagandang aktres sa kanyang pagganap sa bagong teleserye ng ABS-CBN na “La Vida Lena” kung saan makakasama niya ang mahuhusay na artista na sina Erich Gonzales, Carlo Aquino, JC de Vera, at Kit Thompson.