Connect with us

Entertainment

“Take the Leap of Faith”: Dimples Romana, Ipinasilip ang Mala-Paraisong Ganda ng Kanyang Farm Sa Alfonso, Cavite

Isa na sa maituturing na matagumpay na aktres ngayon sa industriya ng showbiz ay si Dimples Romana. Ito ay dahil maliban sa pagiginng isa niyang mahusay na aktres, ay marami rin sa atin ang nakababatid kung gaano siua kasinop pagdating sa peranv kanyang kinikita, kaya naman ilang mga ari-arian na rin ang kanyang naipundar.

Kamakailan lamang sa latest vlog ng aktres na Dimples Romana, ay ibinahagi niya ang isa sa kanyang mga ari-arian at ito ay ang kanyang napakaganda at napakalawak na farm na matatagluan sa Alfonso, Cavite.




Ayon nga sa aktres, wala sa plano niya ang bumili ng farm, dahil bago niya uamno nakita amsa isang classified ads ang lupain na binebenta sa Alfonso, Cavite, ay plano niya umanong bumilo ng bagong sasakyan.

“Naalala ko noong naghahahanap ako ng pamalit sa sasakyan, ay may 350 thousand ako, pwede na ko makapag-down ng sasakyan”

“Habang nagba-browse ako sa isang classified ads, nakita ko yung farm na binebenta sa Alfonso, nakalagay dun Farm Lot in Alfonso, tapos yun sinabi ko sa asawa ko, hindi na ko bibili ng sasakyan, bilhin na lang namin yung farm sa Alfonso.”

Noong una nga daw, ay tila hindi pa sigurado si Dimple kung talagang kaya niyang mabayaran ang farm sa Alfonso na gusto niyang bilhin. Ngunit matapos niya umanong makausap sinTito Tirso o ang aktor na si Tirso Cruz ay nagkaroon ng lakas ng loob si Dimple

“Alam mo Dimps, sobrang napakasipag mo nak. Ang Diyos hindi yan natutulog, kapag alam niyang masipag ka, at alam niyang may binabayaran ka, bibigyan ka niya ng mga pagkakataon”,ito umano ang sinabi sa kanya ni Tirso Cruz.

Para nga sa aktres ay totoo nga naman dahil talagang lahat ng mga panagarap niya sa buhay, ay pinagtatrabahuan niya.Ibinahagi rin ng aktres na noong ipinagdadasal niya sa Diyos, na kung makuha o mabiki niya ang lupain na ito, ay talaga namang iingatan niya ito at araw-araw niya itong ipagpapasalamat sa Diyos.

Ngayon nga ay pagmamay-arin na ng aktres ang kanyang farm sa Alfonso, Cavite, dahil tapos na nila itong bayaran..





At para nga sa aktres, ang lugar na ito ay isang paraiso, dahil sa napakagandang tanawin nito.

Ibinahagi rin ni Dimples na maliban sa magandang tanawin ng Alfonso, ay marami rin ang mga produktong naitatanim nila sa lupain nila ditoz tulad nga ng iba’t ibang uro ng prutas tulad ng dragon fruit, lanzones, rambutan, buko at marami pang iba.

Ipinagmalaki rin ni Dimples na ang Alfonso, Cavite ay isa sa pinakamapayapang lugar sa ating bansa, dahil sa isa ito sa mga lugar na dineklarang drug-free town sa Pilipinas noong 2009, halos 1% lang din ang kaso ng krimen dito at halos 5% lang ang poverty ng nasabing lugar.

Bago naman matapos ang video, ay hinikayat ni Dimples, ang mga taong naghahanap ng magandang lugar, na kung saan maganda rin mag-invest, ay isa na ang Alfonso sa pinaka-magagandang lugar na dapat nilang piliin dahil sa napakaganda at napakapayapa ng lugar na ito na talaga namang matatawag na Paraiso.

Tunay nga naman, na kapag ang isang tao ay masipag at patuloy na nagtitiwala sa Diyos, ay hindi magiging imposible na ang katuparan ng pangarap mo ay matupad.




error: Content is protected !!