Super Tekla, Nagawa Nang Patawarin ang Dating Karelasyon na si Michelle Lhor Bana-ag, Nakiusap sa mga Netizens na Huwag na Itong I-Bash

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng komedyanteng si Romeo Librada o mas kilala ng lahat bilang Super Tekla o Tekla. Ito nga ay matapos maharap sa isang kontrobersya laban sa dati nitong karelasyon na si Michelle Lhor Bana-ag.

Photo credits: google.com




Ngunit, matapos ang isang Linggo ay natapos na rin ang isyu sa pagitan ng dalawa. Matapos kasing ipatulfo ni Michelle si Tekla, ay lumabas na rin ang katotohanan, at ang mas nadiin ay si Michelle.
Ngayon nga, ay wala na si Michelle sa condo ni Tekla dahil umalis na ito kasama ang kanilang anak at limang pamangkin nito. Nauwi na ng tuluyan sa hiwalayan ng relasyon ng dalawa, at nagkaroon na lamang ng pinirmahang kasunduan na susustentuhan ni Tekla ang kanyang anak.

Photo credits: google.com

Dahil nga sa ginawang pagpapatulfo ni Michelle, ay maraming bagay ang naungkat at maging ang kanyang mga kamag-anak ay nadamay na rin sa isyu. Sa kabila nga ng lahat, ay iniisip pa rin ni Tekla ang makakabuti kay Michelle, at nagawa na nga nitong patawarin ang dating kinakasama.

Photo credits: google.com

Hindi naman maikakaila na sa kabila ng pinagdaanan ni Tekla, ay marami ang nagpakita ng pagsuporta sa kanya. Kamakailan nga, ay nagpost si Tekla sa kanyang Facebook ng mensahe na punong-puno ng pasasalamat.
Una ngang pinasalamatan ni Tekla ang Panginoon, na hindi siya pinabayaan sa oras ng pagsubok. Maging ang kaibigan ni Tekla na si Donita Nose at manager na si Rose Conde na hindi siya iniwan at ipinagtanggol siya ay kanya ring pinasalamatan. Hindi rin nakalimutan ni Tekla na pasalamatan ang mga netizens na sumuporta sa kanya.




“Salamat Panginoon. Salamat DONITA, mommy ROSE AT MGA KAIBIGAN KUNG HINDI AKO INIWANAN AT HANDANG IPAGTANGGOL AKO. Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo maisa isang lahat pipilitin kung bumangon at magsimula nanaig na ang katutuhanan.”

Samantala, ipinarating naman ni Tekla sa publiko na nagawa na niyang patawarin si Michelle kung kaya’t ang tanging hiling niya ay huwag na itong husgahan pati na rin ang pamilya nito. Pagbabahagi naman ni Tekla ay mas pinili niyang magpatawad. Pati na rin ang mga naghusga sa kanya, ay pinatawad na rin niya. Ito ay dahil mas ikakagaan umano ng kanyang kalooban ang magpatawad at kalimutan na lamang ang nangyari.

Photo credits: google.com

“Wag na nating husgahan at e bash pa si Michelle at pamilya nila mas pinili ko ang forgiveness kaysa puot natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive.

“At sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko ‘yun lets pray at pagmamahal nalang poh ang magandang tulong para maghilum ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito God Bless us all.”

Sa huli nga ay talagang makikita parin kung gaano kabuting tao si Tekla, na sa kabila ng ginawa sa kanya ng dating karelasyon na si Michelle ay nagawa niya itong patawarin. At mas ninais na huwag nang ibash pa ng mga netizens upang magkaroon na ito ng tahimik na buhay.