Super Tekla Hindi Napigilan ang Maging Emosyonal, Ng Magbigay ng Nakaka-Antig na Mensahe ang Kanyang Anak Para sa Kanya

Para sa isang ama, na dumaraan sa isang pagsubok, ay talaga namang isa sa magbibigay sa kanya ng kalakasan na malagpasan ito ay ang suporta at pagmamahal na magmumula sa kanyang mga anak. Ganitong-ganito ang nadarama ng komedyanteng si Super Tekla o si Romeo Librada sa totoong buhay.

Halos ilang Linggo pa lamang ang nakakalipas ng masangkot ang komedyante at Tv host na si Super Tekla sa kontrobesiya, at ito nga ay talaga namang naging viral hindi lang online kundi maging sa telebisyon. Dahil nga dito, ay talaga namang ilang araw din na dumaan sa matinding depresyon ang komedyante.




Kilala natin si Super Tekla, dahil sa kanyang mahusay na pagpapatawa, at marahil ay marami sa atin ang talaga namang kanyang napatawa. Kaya naman sa pagkakataong ito, na siya’y dumaraan sa pagsubok ng buhay, ay tila siya naman ang kinakilangang bigyan ng kasiyahan, upang magbalik ang kanyag sigla at saya.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Kaya naman, uang ito ay mapasaya ang ang kaibigan niyang talent manager na si Ogie Diaz, ay naisipan na sorpresahin si Super Tekla, at ito ay sa pamamagitan ng isang video message na mula mismo sa panganay na anak nito, na batid natin na isa sa mga taong nagbibigay kalakasan at inspirasyon sa kanyang buhay.

Hindi naman napigilan ng komedyanteng si Super Tekla, ang maging emosyonal sa sobramg kasiyahan sa naging mensahe ng kanyang anak para sa kanya.

Sa naturang mensahe pa nga ng 12-taong gulang na anak ni Tekla, ay sinabi nito na kahit hindi niya nakakasama ang kanyang ama, ay hindi naman nito kinalimutan ang responsibilidad nito sa kanya.

Narito nga ang naging mensahe ng panganay na anak ni Super Tekla.

“Daddy, kahit malayo siya at hindi kami magkasama.”
“Palagi kaming nag-uusap at pinapaalala niya na maging mabuti ako sa lolo at lola ko na nag-aalaga sa ‘kin ngayon. At ‘yung responsibilidad niya sa ‘kin hindi niya nalilimutan.’
“Mahal na mahal ko po ang daddy ko at lagi ko pinapangako na pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para ako naman ang mag-aalaga sa kanya balang araw.”
“Lagi kang magpakatatag, daddy. Manalig ka kay Lord. Nandito lang ako laging nakasuporta sa’yo at sa kapatid ko.”

Makikita sa naturang video message ng panganay na anak ni Super Tekla na si Theora, kung gaano nito kamahal ang kanyang ama, dahil sa isinaad nito ang kanyang pangako sa ama, na balang araw sa pagtanda nito, ay susuklian niya ang lahat ng naging pag-aalaga at pagmamahal nito para sa kanya.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Sa naturang mensahe nga ng anak ay talaga namang hindi napigilan ni Super Tekla ang maluha, at sinabi kung gaano siya kaproud sa kanyang panganay na si Theora, dahil sa napakabuting bata nito.




“Sobrang proud na proud ako sa batang ito, kasi ang ganda ng pagpapalaki sa kaniya. Walang galit sa puso ‘yung bata. Isa yan sa mga yaman ko talaga”, ang naging saad nga ni Super Tekla.

Sa naging panayam pa nga ni Ogie kay Super Tekla, ay sinabi ng komedyanteng si Super Tekla sa kaibigan na sa bawat pagsubok na dumarating sa kanyang buhay, ay talaga namang kinakailangan itong harapin, dahil naniniwala ang komedyante, na may kaakibat na solusyon ang lahat ng problema at hindi ito ibibigay ng Diyos kung hindi ito makakayang lagpasan ng isang tao.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

“Hindi siya pagsubok, isa siyang malaking hampas sa akin, luluhod ka talaga [sa Diyos].”

“Ito, big realization. Ang kagandahan lang, hindi niya binigay ng walang solusiyon.”

Ayon nga kay Super Tekla, ang kanyang pinagdaanan ay talaga namang isang malaking reyalisasyon sa kanyang buhay, kung saan ay talagang nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil sa kabila ng ibinigay nitong pagsubok sa kanya, ay hindi siya nito pinabayaan.