Sofia Andres, Naging Emosyonal sa Kinalabasan ng Napakagandang Nursery Room ni Baby Zoe Matapos ang Naging Make-Over Nito

Mula ng isa-publiko ng aktres na si Sofia Andres, na siya ay isa ng ganap na ina sa kanyang cute na baby na si Zoe, ay naging madalas na ang pagbabahagi ng aktres ng mga masasayang kaganapan sa kanyang buhay, lalo na pagdating kay Baby Zoe.

Madalas rin ibinabahagi ni Sofia ang mga bonding at exciting moments niya sa pagiging isang mommy ni Baby Zoe.




Nito nga lamang nakaraan, ay panibagong kaganapan sa buhay ng pagiging isang mommy ni Sofia kay Baby Zoe ang talaga namang umagaw sa atensiyon ng mga netizens. Ito ay ng ibahagi ni Sofia ang kinalabasan ng kanyang naging proyekto at ito ay ang make-over na ginawa sa nursery room ni Baby Zoe.

Sa Instagram post ni Sofia, ay nagbahagi siya ng larawan ni Baby Zoe, kung saan ay naka-upo ito sa kanyang napakagarang crib, na tila pang mala-prinsesa ang disenyo. Kalakip ng larawan na ito ay ang caption ni Sofia na;

“I am so excited to share with you Zoe’s room that designed by @mossmanilahome check the link on their Instagram page.”

Ang dati ngang simpleng nursery room ni Baby Zoe, ay naging dream blush, dahil sa ginawang make-over dito.

Makikita nga sa naging make-over ng nursery room ni Baby Zoe, ang talaga namang napakaganda ng konsepto na ginawa dito. Ilan nga sa mga talagang binago sa nasabing nursery room ay ang nursery lounge, ang play area, ang nursery dresser area, ang bench seating at ang display shelving, kung saan makikita ang mga larawan ng mag-inang baby Zoe at Sofia.

Samantala, base nga sa naging caption ni Sofia sa ibinahagi niyang larawan ng bagong make-over na nursery room ni Baby Zoe, ay ang @mossmanilahome ang umayos at nagpaganda nito.

Ang Moss design, ay siya ring nagmake-over sa apartment ng aktres ni Bella Padilla, kung saan ay nakakabilib rin ang kinalabasan nito.

Si Cyndi Fernandez-Beltran naman ang babaeng nasa likod ng magagandang make-over na ginagawa ng Moss Design, kung saan ay sinabi nito na masaya siyang makatrabaho ang aktres na si sofia Andres at ang partner nitong si Daniel Miranda, na para sa kanya ay “chill” lang noong mga panahong isinasaayos nila ang pagmake-over sa nursery room ng anak ng mga ito na si Baby Zoe.

“Working with Sofia and Daniel… I didn’t actually think they would make bantay. they so chill and they really hung out with us. And I guess they’re very curios on how they’d see the process. But you know one thing that struck me, when Sofia and I open the paint. Because she was very particular with the pink”, ang naging saad ni Cyndi.




Ibinahagi rin ni Cyndi, kung gaano naging kahands-on si Sofia habang isinasagawa ang pagmake-over sa nursery room ng baby nitong si Zoe.

“She was overseeing the wallpaper overseeing the wallpaper when we were installing the custom print. And she said. “

Cindy this looks like I hand-painted’. And you know, it’s just so nice to be able to have your client there and you know, watch tour whole process and I appreciate that”, ang naging saad pa nga ni Cyndi.

Nang araw na nga na natapos na ang buong make-over ng nursery room ni Baby Zoe, ay nagdesisyon ang magpartner na Sofia at Daniel, na isama si Zoe sa kanyang bagong make-over na silid.

Pagpasok nga nina Sofia at Daniel, kasama si Baby Zoe sa katatapos lamang imake-over na nursery room, ay talaga namang napamangha sila sa kinalabasan nito, at hindi na nga napigilan ng aktres ang mapaluha, sa sobrang kaligayahan, dahil batid niyang ang makeover na ito ng nursery room para sa kanyang baby na si Zoe ay bunga ng kanilang pagmamahal.

“It’s super nice – especially since ito yung nag wewelcome sa amin. Kasi this area, it’s usual na for us. Ito rin yung highlight ng room – palette wall. That’s super, super nice. It’s very very different. It’s super functional”, ang naging reaksiyon ni Sofia ng makita ang napakagandang nursery room para sa kanyang baby Zoe.

“It’s cheesy but I’m thankful … I don’t know why I’m crying, I’m so emotional because I thinks it’s about love.”

“Hindi lang siya isang project, kundi it’s with a heart, it’s with love”, ang naging dagdag pa ng aktres.

Makikita nga sa larawan ng bagong make-over na nursery room ni Baby Zoe, kung gaano ito kaganda, at talaga namang kahit sinong mommy tulad ni Sofia ay matutuwa sa kinalabasan ng make-over nito.




Matatandaan naman na taong 2018, ng magsimulang makipag-date si Sofia Andres sa kanyang partner na ngayon na si Daniel Miranda, at noon nga lamang Hunyo ng kasalukuyang taon, ng isa-publiko ng aktres na siya ay ina ng mommy.