Single Mom na Bumagsak ang Printing Business Noong ECQ, Bumangon Muli at Nag Tayo ng Panibagong Negosyo, Kumikita na ngayon ng 50k sa Isang Araw

Sa pagkakaroon ng krisis sa ating bansa, dulot ng matinding karamdaman na kumakalat dahil sa virus, ay sadya nga namang marami sa ating mga kababayan ang tunay na naapektuhan nito. Ilan sa malalaking mga negosyo ang nagbawas ng empleyado, at ilang mga maliliit na negosyo naman ang tuluyan ng nagsara dahil sa palugi na ang mga ito.




Isa na nga sa mga maliliit na negosyanteng talagang naapektuhan ng krisis ay ang single mother na si Miranda Nacario, na noon ay isang “printing business” ang pinagkakakitaan . Ngunit dahil sa krisis, ay walang nagawa si Miranda, kundi ang ipasara ito ng tuluyan, dahil sa wala ng “order” ang pumapasok sa negosyo niya.

Dahil sa pangyayaring ito ay talagang naranasan ni Miranda ang hirap ng buhay, lalo na ng mga sandaling nagkasakit ang kanyang anak, at wala siyang kapera-pera na maiibili ng gamot at ng diaper nito.

Ayon nga kay Miranda, ng nga panahong iyon ay talagang wala siyang malapitan, kahit pa ang ama ng kanyang anak ay hindi na rin niya maasahan dahil sa pakikipaghiwalay niya rito.

“Dumating yong time na yong baby ko walang diaper tapos nagkasakit siya, sabi ko wala akong pambili ng gamot hanggang dumating yong time na pakainin ko na lang siya ng asukal”, saad ni Miranda.

Napakasakit nga naman sa puso ng isang ina, ang pakiramdam na tila hindi mo maibigay sa iyong anak ang mga bagay na kinakailangan nito lalo na ang pagkain at gamot. Kaya naman, upang makaraos ay nag-isip si Miranda ng maari niyang pagkakitaan ng maging maayos ang buhay nilang mag-ina, at maibigay niya ang panganga-ilangan ng kanyang anak.

“Kaya sabi ko, maghahanap na talaga ako ng paraan kung paano ako makakakuha ng pera, paano ako makaipon, makapagtinda-tinda,” dagdag pa ng single-mom.

Wala nga namang hindi kakayanin ang isang ina para sa kanyang anak, kaya naman muling sumubok si Miranda na magnegosyo paunti-unti sa pamamagitan ng pagtitinda ng manok at pagkain online, kung saan ay nag-umpisa siya sa kapital na P2,500.

Mas lalo pa ngang gumanda ang takbo ng pagtitinda ni Miranda ng manok, ng isa siya sa maswerteng makasama sa programa ng Quezon City na “Store on Wheels Program”, kung saan ang mga kabilang na maliliit na negosyante sa programang ito ay nagagawang makapagtinda sa mga lugar na apektado ng lockdown.




Ibinahagi ni Miranda, na noong una ay tila ayaw pa niyang sumama sa nasabing programa, dahil naroon ang takot nita sa virus na kumakalat ngayon. Ngunit dahil sa iniisip ni Miranda nag kanyang mga anak, at ang magandang kita na maibibigay nito sa kanyang negosyo ay tumuloy siya sa programa, at nagtinda sa iba’t ibang lugar sa Quezon City na apektado ng lockdown.

Dahil sa naging kasipagan, pagpupursige at mithiin ni Miranda na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak, ay hindi nga naging imposible sa kanya ang mapalago ang kanyang negosyo. At sa loob ng 3-buwan ay talaga namang naging maayos ang kita ni Miranda, kung saan ngayon ay nagagawa na niyang kumita ng 50k kada-araw, dahil sa nakapagpundar na siya ng tatlong tindahan ng mga manok, at mayroon na rin siyang mga tauhan na natulungan niyang mabigyan ng hanapbuhay.

Maliban pa nga sa magandang takbo ng negosyo ni Miranda, ay nakabili na rin siya ng bagong sasakyan.

Ang puno ng inspirasyong kwento ng buhay ni Miranda ay talaga namang kahanga-hanga, dahil sa pagnanais niyang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang anak, ay talaga namang hindi siya tumigil na mapaunlad ang kanyang buhay, at maging masipag sa kabila ng mga problemang kanyang kinakaharap.