Connect with us

Stories

Silipin ang “Small but beautiful house” na Naipundar ng Inspiring Couples na ito Dahil sa Kanilang Pagtitinda Online

Sa panahon ngayon na marami sa atin ay natatakot ang lumabas ng kani-kanilang tahanan, ay nauuso nga naman ang pagraket online at pag gamit ng mga online platforms para kumita. Tunay nga naman na may “pera sa online”, kung talagang gagamitin lamang natin ito sa tamang diskarte at sasamahan ng pagsusumikap at pagtitiyaga.




Marami na nga tayong mga kababayan ang talaga namang nagpatotoo na sa pagdiskarte online ay maaaring matupad ang iyong mga pangarap, at kabilang na nga rito ang “inspiring couples” na hinahangaan ngayon dahil sa kanilang tiyaga at pagsusumikap sa paglako online, na naging daan upang maipatayo nila ang kanilang simple, maliit ngunit napakagandang tahanan.

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

Ibinahagi nga ng netizens na si Ceejay Ponce sa kanyang Facebook account nito lamang nakaraan, ang naging pasasalamat niya sa Diyos at sa lahat ng tumulong sa kanilang mag-asawa upang maitayo ang kanilang simpleng tahanan, at kalakip nito ay ang larawan ng kanilang napaka-cute at napakasimpleng bahay.

Base nga sa facebook post ni Ceejay, ilan sa kanilang pinasasalamatan ay ang kanyang tatay na siyang nagtrabaho ng kanilnang bahay, kaya naman wala silang gastos sa “labor” nito. Ang kanyang nanay naman umano nag-aasikaso sa mga ibang kinakailangan sa kanilang bahay, kapag sila ay abala sa paglalako at pagraraket online.

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

Pinasalamatan din ni Ceejay ang kanyang pinsan na tumulong rin sa pagtrabaho sa kanilang ginawang munting bahay, at siyempre ang kanyang asawa na katuwang niya sa lahat ng bagay at siyang nagiging abala sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube




Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

Katuwang nga ni Ceejay ang kanyang asawang si Mylene sa paglalako online ng kanilang mga binebake na pastries, na kanilang naging negosyo ngayong panahon ng pandemya.

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

Ayon nga kay Ceejay, hindi importante kung hindi ganun kalaki o kagarbo ang bahay nila, dahil ang mahalaga ay ang kalinisan at kaayusan nito sa loob, at ang kabutihan ng puso na taglay ng mga taong naninirahan dito.




“Ang aming munting tahanan sa bukid. Hindi sa laki o garbo nasusukat ang ganda ng isang bahay, kung di sa kalinisan at kaayusan nito at sa mabuting puso ng naninirahan dito.”

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

Makikita nga sa mga larawanq ibinahagi ni Ceejay na kuha sa kanilamg pinagawang simpleng tahanan, na sa kabila ng pagiging maliit nito ay napaka-cute naman nitong tignan at napakalinis pa nito.
Marami naman ang napa-Sana all ng makita ang napaka-cute at simpleng tahanan na ito ng netizens na si Ceejay, at habang ibinabahagi ang artikulong ito ay talaga namang napakarami na ang nalikom nitong likes at shares mula sa mga netizens.

Photo credits: Ceejay Ponce | Youtube

May ilan pa ngang mga netizens ang nagbigay ng kani-kanilang komento ng paghanga sa post na ito ni Ceejay na nagpapakita ng kanilang bahay, katulad na lamang nga ng post ng isang netizens na

“Small but beautiful” at ang isa naman ay nagsabi na “Wow, ang ganda naman niyan.”

Tunay nga naman sa kabila ng dinaranas nating pandemya, ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang nanatiling positibo sa kani-kanilang mga buhay, at nagsusumikap na tuparin ang kanilang mga pangarap, kahit sa simpleng paraan at diskarte na kaya nilang magawa sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

error: Content is protected !!